Lalaking pinakasalan ang nobyang may sakit sa balat na walang lunas, naka-inspire sa marami

Lalaking pinakasalan ang nobyang may sakit sa balat na walang lunas, naka-inspire sa marami

- Milyon-milyon ang na-inspire sa kakaibang kwento ng pag-ibig nina Edmilson Alcântara at Karine de Souza

- Sa kabila kasi ng sakit ni Karine sa balat na wala nang lunas, pinakasalan pa rin siya ni Edmilson

- Labis na namangha ang marami sa dalawang ito dahil patunay lamang na walang imposible sa tunay na pag-iibig

- Nag-viral ang kanilang pre-nup photos na ikinamangha ng marami dahil kitang-kita ang pagmamahalan ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng ingay online ang kakaibang love story nina Edmilson Alcântara at Karine de Souza ng Brazil.

Binahagi ng Daniel Panisson Fotografias ang mga prenup pictures nina Edmilson at Karine.

Kapansin-pansin ang itsura ni Karine dahil sa kanyang sakit sa balat na tinatawag na Xeroderma Pigmentosum.

Ang sakit na ito ay di naman nakakahawa ngunit wala pang lunas. Masyadong sensitibo ang balat nito sa init ng araw kaya naman makikita ang di magandang epekto nito sa kanyang balat.

Ngunit, sa kabila ng kanyang kalagayan, di ito naging hadlang sa pagmamahal sa kanya ng kasintahang si Edmilson.

Katunayan, noong Hulyo 31 nang nakaraang taon pinakasalan ni Edmilson ang kanyang kasintahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang na-inspire sa kwento ng dalawa dahil isa raw itong halimbawa na walang imposible sa mga taong tunay na nagmamahalan.

Niyakap ni Edmilson ang buong pagkatao ni Karine kasama na rito ang walang lunas nitong sakit.

Di niya tiningnan ang panlabas na anyo ng babaeng pinakamamahal niya kundi ang saloobin nito na siyang pinakamahalaga sa lahat.

Namangha ang mga netizens sa pag-iibigan ng dalawa dahil litaw na litaw daw sa mga larawan ng mga ito na tunay ang pag-ibig ng isa't-isa.

Mayroon nang 83,000 na positibong reaksyon ang post at naibahagi na ito ng 48,000 na beses.

Narito ang ilan sa mga larawan ng dalawa mula sa kanilang prenup shoot:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel