Palasyo, inutos na mag-require ng visa para sa mga Kanong papasok sa Pinas

Palasyo, inutos na mag-require ng visa para sa mga Kanong papasok sa Pinas

- Kinakailangang mayroong visa ang lahat ng Amerikanong papasok sa bansa ayon sa utos ng Palasyo

- Ito ay matapos na i-ban ng US ang mga Pinoy officials na nasangkot daw sa pagpapakulong kay Senator Leila De Lima

- Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo na inutos din ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Immigration na huwag papasukin sa bansa sina Senators Durbin at Patrick Leahy

- Kamakailan lang ay pinirmahan na ni US President Donald Trump ang kanilang 2020 national budget kung saan nakapaloob din ang probisyon na nagbabawal sa pagpapasok sa mga opisyal ng Pinas na nagpakulong kay De Lima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na magiging madali para sa mga Amerikano ang pagpasok sa bansa dahil sa utos ng gobyerno na i-require ang mga ito na magkaroon ng visa bago pumasok sa Pilipinas.

Ito ay matapos i-ban ng United States of America ang pagpasok sa kanilang bansa ng lahat ng mga opisyal ng Pinas na sangkot sa pagpapakulong kay Senator Leila De Lima.

Kamakailan lang ay pinirmahan ni US President Donald Trump ang ang kanilang 2020 national budget kung saan nakapaloob din ang probisyon na nagbabawal sa pagpapasok sa mga opisyal ng Pinas na nagpakulong kay De Lima.

“Should a ban from entry into US territory be enforced against Philippine officials involved in – or by reason of – Senator de Lima’s lawful imprisonment, this government will require all Americans intending to come to the Philippines to apply and secure a visa before they can enter Philippine territory,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Base sa ulat ng Inquirer (Author, Nestor Corrales), iniutos din ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Immigration na huwag papasukin sa bansa sina Senators Durbin at Patrick Leahy.

Ayon kay Panelo, si Pangulong Duterte ay: “immediately ordering the Bureau of Immigration to deny US Senators Durbin and Patrick Leahy — the imperious, uninformed and gullible American legislators who introduced the subject provision in the US 2020 Budget — entry to the Philippines.”

“The Philippine Supreme Court, the highest court of our land, has affirmed the incarceration of Senator de Lima as valid and lawful,” sabi pa ni Panelo.

“We reiterate that the Philippines is an independent and sovereign state. It stands in parity with all other states, including the US, and any form of pressure that is tantamount to an interference into its established justice system shall be reciprocated in accordance with our municipal law, as well as public international law or the law of the nations,” dagdag nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel