Artistahin ang ganda: Larawan ng isa na namang 'Badjao girl', viral

Artistahin ang ganda: Larawan ng isa na namang 'Badjao girl', viral

- Agaw eksena sa social media ang larawan ng isa na namang 'Badjao girl' na may maamong mukha

- Binahagi ito ng netizen kung saan napansin niya ang kagandahan ng bata na 14-anyos pa lamang

- Matatandaang si Rita Gaviola na isa ngayong Kapuso artist ay isa ring Badjao na agaw pansin ang kagandahan

- Umaasa ang mga netizens na maaari rin daw maging artista ang dalagit tulad ni Rita

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Viral ang mga larawan ng isang 14-anyos na "Badjao girl" na namataan sa Pioneer Avenue.

Binahagi ng netizen na si Regine Heart Agot ang larawan ng dalagita habang bitbit nito ang silang bata habang sila ay namamalimos.

Kapansin-pansin ang dalagita dahil daw sa angkiing ganda nito na di raw nila akalaing namamalimos lamang.

Naalala raw ng karamihan si Rita Gaviola na unang nabansagan ng "Badjao girl". Minsan din kasing nag-viral ang mga larawan ni Rita na isa ngayong artista sa GMA network.

Samantala, maging ang mga netizens ay namangha sa angking ganda ng dalagita at sana raw ay mabigyan din ito ng tsansang makapag-artista tulad ni Rita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan pa sa komento nila sa larawan ng bagong 'Badjao girl':

"Magandang bata... pero sana matulungan ang pamilya niya upang di na siya mamalimos pa"
"True Pinay beauty... sana all ganyang kaganda kahit pa namamalimos, ang gandang bata"
"Sana mag-artista na lang din ito tulad ni Rita, mukha pa namang mabait na bata"
"Mukha ring mabait na bata, sana matulungan ang pamilya nila"
"Nakakaawa pero sana ngayong viral na ang pictures niya ay makatanggap naman siya ng biyaya..."

Nasa mahigit 8,000 na ang positibong reaksyon ng mga larawan ng bagong Badjao girl na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel