Inaanak, hindi inaasahan ang halaga ng perang pamasko ng ninong na OFW

Inaanak, hindi inaasahan ang halaga ng perang pamasko ng ninong na OFW

- Tampok sa social media ngayon ang pamasko ng isang ninong na overseas Filipino worker (OFW) para sa inaanak niya

- Ayon sa inaanak, nagbigay ang kanyang ninong ng 50,000 Venezuelan Bolivares na nakalagay pa sa loob ng ampao

- Subalit, laking gulat naman ng inaanak nang i-convert niya sa Philippine peso ang perang natanggap niya

- Maging ang mga netizens ay nagkaroon nga iba’t-ibang reaksyon sa naging regalo ng ninong sa inaanak niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Trending sa social media ngayon ang aginaldo ng isang overseas Filipino worker (OFW) na ninong para sa kanyang inaanak.

Nalaman ng KAMI na excited pa ang inaanak dahil sa foreign cash na binigay sa kanya ng kanyang ninong na seaman.

Ayon sa ulat ng Philippine News, nang buksan ng inaanak ang ampao na bigay sa kanya ay may laman itong 50,000 Venezuelan Bolivares.

Ibinahagi ng netizen na si George Ivan Domingo ang litrato ng perang binigay sa kanya ng ninong niya.

“Binigyan ako ni ninong kong seaman ng pamasako,” giit nito sa kanyang caption.

Akala ko ikayayaman ko na eh,” dagdag niya pa.

Subalit, hindi naman inaasahan ni George ang halaga ng pera na bigay sa kanya. Nang i-convert niya ito ay nalaman niyang P53.6 ang halaga nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, umani ng iba’t-ibang reaksyon sa social media ang pamaskong natanggap ni George. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Haha yong excitement magpa exchange nawala bigla weeew”
“Lugi pa sa pamasahe sa palitan. Haha”
“Be thankful sa kung ano ibinigay”
“hindi ko na icoconvert yan para feeling rich. Haha”
“Be thankful parin kahit ilan payan binigay sayo”

Ayon sa ilang mga ulat, humarap sa malaking socioeconomic at political na crisis ang Venezuela noong 2016. Nagtaas ang mga bilihin dito at nagkaroon ng hyperinflation. Kaya naman, bumaba na rin ang halaga ng kanilang pera.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel