Wow! Tatay, pinintahan ng mga cartoon characters ang kwarto ng anak na may sakit

Wow! Tatay, pinintahan ng mga cartoon characters ang kwarto ng anak na may sakit

-Upang mapasaya ang kanyang anak na mayroong cerebral palsy, naisipan ng isang ama na pintahan ang kwarto nito

-At ang naisip nito ay walang iba kung hindi ang isa sa mga nagpapasaya sa mga bata, mga cartoon characters

-Makulay at puno ng buhay ang mural na mag-isang tinapos ng lalaki para sa anak

-Anito, palagi raw kasing nasa kwarto lamang ang anak dahil sa sakit kung kaya naisip niyang gawin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi lamang basta talento ang ipinamalas ng isang lalaki na hinahangaan ngayon sa social media.

Para mapasaya kasi ang anak nito na mayroong cerebral palsy, naisipan ni Epi Salazar na pintahan ang kwarto nito.

At ang naisip nitong subject ay isa sa mga nagpapasaya sa mga bata, mga cartoon characters!

Makulay at puno ng buhay ang mural na matiyaga nitong tinapos para mapasaya ang anak.

Ayon sa report ng News5 kung saan ito naitampok, madalas daw kasi na nasa kwarto lamang ang anak ni Epi kung kaya naman naisip nitong gawin ang mural.

Dahil dito, marami ang humanga kay Epi na isang dakila at mapagmahal na ama. Maging ang napakaganda nitong artwork ay labis na hinangaan din online!

"God gifted kyo kuya. Sn may kumuha sainyo pra sa kompanya nla. Ur talent was awesome. May ur child always healthy khit ganyan sya. Sn maalala ko yang drawing mo pra pa drawing ko rin ung parents ko sa balkon nmin."

"Its a treasure seeing this! doing everything for your child. salute to you sir."

"Mabuhay po ang mga tatay na may pagmamahal sa mga anak,dakila po kayo!"

"Sana sa pamamagitan ng obra mo matuwa at gumaling ang anak mo sir. Miracle do happens pray lang po."

"Wow nkkaproud nmn pag ganito ang tatay saludo aq sio."

"Wow amazing, very talented."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel