Nakakalungkot! PWD, naiyak na lang nang abandonahin ng sariling misis sa kalye

Nakakalungkot! PWD, naiyak na lang nang abandonahin ng sariling misis sa kalye

- Labis na ikinalungkot ng marami ang sinapit ng isang lalaki na inabandona umano ng kanyang sariling asawa

- Ayon daw sa lalaki na nagmula pa sa Tacloban, pinangakuan siya na ipapasok ng trabaho ng kanyang misis

- Ngunit tila hindi nito inasahan nang bigla na lamang siyang iwanan umano ng asawa sa Cubao

- Wala na itong magawa kung hindi ang umiyak na lamang sa isang gilid ng mataong lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakalungkot ang sinapit ng isang lalaki sa isang viral video na wala nang nagawa kung hindi ang umiyak na lamang.

Sa Facebook post ng netizen na si Reyna Sinangote Lamis, ayon sa lalaki na nagmula pa sa Tacloban, pinangakuan daw siya na ipapasok ng misis nito sa trabaho sa Maynila.

Napag-alaman naman na Junior ang pangalan ng lalaki na makikita namang hirap magsalita at tila nanghihina.

Nananawagan naman ng tulong si Lamis sa mga netizens upang makaabot sa pamilya ni tatay Junior ang naging sitwasyon nito.

Ayon sa post nito, huli nitong napag-alaman na nasa isang simbahan sa Cubao si tatay Junior.

Narito ang kabuuan ng FB post nito.

"Panawagan po kung sino man ang nakakakilala kay tatay kawawa naman po xa, inabandona dw xa ng kanyang misis. Galing daw po sila sa Tacloban City Leyte.

Sabi ni tatay, dumating sila ngayong araw ng 4:00am December 15, 2019 sa Cubao, ipapasok daw sana si tatay sa manukan ng kanyang asawa dito sa maynila kaso inabandon xa sa Gateway Cubao. Junior daw po pangalan nya.

Si tatay junior po is a person with disability. Sana po matulungan xa, kasalukuyan ngaun nasa Jesus Christ Church siya besides National book store Cubao baba ng gateway. Kawawa naman po iyak ng iyak si tatay please share."

Bumuhos naman ang pagkalungkot mula sa mga netizens dahil dito at marami ang hangad na matulungan ang lalaki.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 20K ang shares nito sa Facebook.

Samantala, ayon sa huling update ni Lamis, muli niyang binalikan sa simbahan kung saan pansamantalang tumigil si tatay Junior ngunit nagpumilit daw na umalis ito.

Bigo rin umano ang mga tao sa simbahan na iyon na makahingi ng tulong sa pulis.

Sa ngayon ay wala na raw nakakaalam kung nasaan na ang matandang lalaki.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel