Traffic enforcer, to the rescue sa babaeng nakaiwan ng pera sa 1 jeep

Traffic enforcer, to the rescue sa babaeng nakaiwan ng pera sa 1 jeep

- Hinangaan ng marami sa social media ang isang traffic enforcer na walang pag-aalinlangang tinulungan ang isang babae

- Ayon sa netizen na isa sa nakasaksi sa ginawa nito, naiwan ng babae ang pera nitong naka-plastic sa pampasaherong jeep na nasakyan nito

- Nang malaman ng traffic enforcer ang nangyari ay agad nitong hinabol ang jeep sakay ng kanyang motorsiklo

- Umani ito ng papuri at paghanga mula sa mge netizens dahil sa kanyang kabutihang ipinakita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang humanga sa isang traffic enforcer na hindi nagdalawang isip na tumulong sa isang babae.

Sa isang Facebook post ng netizen na si Andrew Sufrir, napag-alamang naiwan ng babae ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P10,000 na nakaplastik kasama ang mga reseta sa pampasaherong jeep na nasakyan nito.

Mangiyak-ngiyak daw na humingi ng tulong ang babae sa traffic enforcer na si Rasmik Ozalo na nakatalaga noon sa Timog Avenue.

Nang malaman daw ni Ozalo ang nangyari sa babae ay agad nitong hinabol ang jeep na huling nasakyan ng ginang na sa kabutihang-palad ay mabagal lamang ang takbo.

Laking-pasalamat naman nang babae nang maibalik sa kanya ang pera na gagamitin pala nito sa nakatakdang operasyon nanay nito.

Umani ng papuri at paghanga sa social media si Olazo na hindi nag-alinlangang tumulong sa babaeng sa oras na ito ay nangailangan ng saklolo.

"sir kuya saludo po."
"good job sir. I salute you."
"Sir helo. Pamangkin ko po yung dalaga na nakaiwan ng pera sa jeep na natulungan ni sir rasmik. Thank you very much."
"swerte mo maam at mY enforcer n mabait kagaya ni sir.sir enforcer i salute u good job."
"Saludo po ako sa inyo sir good job po.napakabusilak po Ng inyong kalooban Sana ganyan lahat.merry Christmas po sa inyong lahat godbless."
"God Bless you po, marami pa rin talagang mabubuti at malinis ang kalooban, pagpalain ka nawa ng buong Maykapal, Merry Chrstmas sayo at sa mga magulang mong ngturo ng kabutihang asal."
"proud ako su kuya sana all.kuya merry xmas god bless ang takecare always."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel