OFW, naglabas ng hinanakit para sa mga hindi nakukuntento sa pasalubong

OFW, naglabas ng hinanakit para sa mga hindi nakukuntento sa pasalubong

- Muling nag-viral sa social media ang emosyonal na post ng isang overseas Filipino worker (OFW)

- Naglabas kasi ng saloobin ang isang OFW ukol sa mga taong hindi nakukuntento sa mga pasalubong sa kanila

- Giit ng OFW, hindi nila obligasyon ang mamigay ng pasalubong sa mga tao kapag bumalik na sila ng Pinas

- Samantala, maraming mga netizens din ang naka-relate sa kanyang post tungkol sa pamimigay ng pasalubong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang nagpakatotoo sa kanyang saloobin para sa mga taong nanghihingi ng pasalubong sa kanya.

Nalaman ng KAMI na muling nag-viral sa social media ang post ng netizen na si Raymond Lopez.

Ayon sa Facebook post ni Raymond, “nakakadala” na raw minsan ang pamimigay ng mga pasalubong kapag naging balik-bayan.

Minsan, nakakadala talagang magbigay ng pasalubong kapag nagbabalik-bayan ka,” giit nito.

Bigyan mo man sila o hindi, meron at meron silang masasabi sa'yo, na kesyo ‘ito lang’, ‘nagbigay ka pa’, ‘kuripot naman’, ‘’yan ba 'yung abroad?’, ‘tatlong-taon sa abroad heto na 'yun?’,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni Raymond, hindi obligasyon ng mga OFW ang pamimigay ng pasalubong sa mga tao. Dagdag niya pa, kaya umuuwi ang mga OFW ay para makasama ang pamilya nila at makapagpahinga, hindi para mamigay ng mga regalo.

“Una po sa lahat, hindi po nagbabalik-bayan ang isang OFW para bigyan o pasalubungan kayong lahat, walang obligasyon ang isang OFW na bigyan kayo ng mga tsokolate, sabon, pabango at kung anu-ano pa!” sabi ni Raymond.

Umuuwi ang isang OFW hindi para magregalo, mamigay o magpamudmod ng kung ano. kundi, umuuwi sila para pansamantalang makapagpahinga, makapaglibang at makasama ang kani-kanilang pamilya't mahal sa buhay,” dagdag niya pa.

Ikinuwento rin ni Raymond ang paghihirap na kanilang dinadadas sa ibang bansa. Kaya naman advice niya sa mga tao, dapat matutong magpasalamat at makuntento.

Sana, subukan n'yo 'hong mag-abroad, para po maranasan n'yo rin ang mga sakripisyo namin, 'yung mga pagtitipid, pangungulila at kalungkutang nararanasan dito at ng mga kapwa-OFW namin sa buong mundo. Matuto po sana kayong magpasalamat o makuntento, dahil kahit papaano'y naabutan at naalala kayo nung tao,” aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maraming mga netizens naman ang naka-relate sa post ni Raymond. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“tama ka kabayan.”
“correct ka dyn hindi pinupulot ang sa abroad lalong di pinipitas puno ng kahoy pasalamat kyo pag naabutan kahit papaano meron mga kabayan”
“That's right hindi Yun pinupolot ang pera sa abroad mahirap mag work sa abroad.tapos sabihin nila kuripot”
“Talagang di obligasyon.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel