Batang nagwala ng di mabili ng lola ang laruang gusto, pinagmalasakitan ng mga pulis

Batang nagwala ng di mabili ng lola ang laruang gusto, pinagmalasakitan ng mga pulis

- Nag-iiyak at nagwala ang isang batang di nabili ng lola ang nais na laruan

- Agaw atensyon talaga ito sa pamilihan kaya napansin din siya ng mga pulis

- Imbis na sawayin, ibinili ng mga pulis ang bata ng nais niyang laruan

- Kitang-kita na napalitan ang mga luha ng bata ng matamis na ngiti nito nang hawak na niya ang laruan

- Hinangaan naman ng mga netizens ang pulis sa pagmamalasakit sa bata lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang kabutihang ginawa ng mga pulis sa isang batang nagwawala sa isang pamilihan.

Ayon sa netizen na si Jamaica Santos na nagbahagi ng larawan ng pangyayari, nagwala raw ang batang lalaki nang di mabili ng lola nito ang gustong laruan.

Nalaman ng KAMI na agaw atensyon talaga ang pagwawala ng bata na maging ang mga kapulisan sa lugar ay napansin siya.

Ngunit imbis na sawayin o takutin ang bata, ibinili pa ng mga pulis ang batang ito ng laruang kanyang hinihiling.

Nang hawak na ng bata ang laruan, napalitan na ng matatamis na ngiti ang kanyang luha bunsod ng kanyang pagwawala.

Laking pasalamat naman daw ng lola ng bata sa mga pulis na pinagmalasakitan ang kanyang apo.

Maging ang mga netizens ay nagpasalamat din sa mga pulis at humanga rin sila sa mga ito dahil sa pagbabahagi ng kabutihan ngayong panahon ng kapaskuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Saludo po kami sa inyo mga sir, sana dumami pa ang tulad ninyo"
"Nakakatuwa, di nila tinakot ibinili pa nila talaga... Good job mga sir"
"Wow, sana kinausap din nila yung bata na huwag nang uulitin ang pagwawala at ipaunawa ng mabuti ang sitwasyon. Baka kasi lagi niya itong gawin sa tuwing di nasusunod ang kanyang gusto. Pero good job pa rin mga sir. bait niyo po"
"Mabuti at naisip ito ng mga pulis, kawawa rin ang lola mahirap din yun sa kalooban niya"
"Nakaka-proud naman ang mga pulis na ito, tuloy niyo lang po ang paggawa ng mabuti at maging ehemplo na rin sa iba"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel