Lalaking dalawang beses na inoperahan sa puso, pumanaw ilang araw matapos siyang ikasal

Lalaking dalawang beses na inoperahan sa puso, pumanaw ilang araw matapos siyang ikasal

- Nagawa pa ring pakasalan ng isang lalaki ang kanyang high school sweetheart kahit lubha nang kritikal ng kanyang buhay

- Dalawang beses nang dumaan sa heart transplant ang lalaki at di na maari pa itong ulitin sa pangatlong beses na sadyang mapanganib na sa kanyang lagay

- Emosyonal ang naging kasalan ngunit sinikap ng lahat na maging masaya para sa dalawa

- Ilang araw lamang matapos silang ikasal, pumanaw na rin ang lalaki

- Mayroon din silang isang anak na siyang lalong nagpatibay ng samahan ng dalawa na kahit matinding pagsubok ang kinaharap ng kanilang pagsasama, di nila binitawan ang isa't-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumukaw sa atensyon ng netizens ang nakakadurog ng pusong kwento ni Javier Rodriguez na pinakasalan pa rin ang kanyang high school sweetheart sa kabila ng kanyang kondisyon.

Ayon sa ulat ni Hannah Kramer ng AOL, dalawang beses nang sumailalim sa heart transplant si Javier at lubhang mapanganib na sa kanyang kalagayan kaya di na maari pa itong operahang muli.

Una siyang na-operahan noong siya ay 14 at sa pangalawang operasyon niya noong siya ay 18, magkasintahan na sila noon ng kanya na ngayong misis na si Crystal.

Alam ni Crystal ang kalagayan ni Javier gunit di ito nagdalawang isip na manatili sa piling ng kanyang kasintahang may malubhang karamdaman.

Matitinding pagsubok ang dinaanan ng kanilang relasyon lalo pa nang magkaroon pa ng komplikasyon sa kidney si Javier.

Lalaking dalawang beses na inoperahan sa puso, pumanaw ilang araw matapos siyang ikasal

source: apvnews
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Biniyayaan din sila ng isang anak na mas lalong nagbuklod sa kanilang pagsasama.

At kahit sadyang masaklap na ang mga nangyayari kay Javier, naisip pa rin nitong pakasalan ang nobya.

Emosyonal ang lahat ngunit sinikap nilang maging masaya ang lahat para sa dalawa.

Subalit, ilang araw matapos ang kasal, pumanaw na rin si Javier sa edad na 23.

Masakit man ang kinahinatnan ng kanilang pagmamahalan, ang kanilang relasyon ay isang magandang halimbawa ng totoong pag-iibigan na mas lalong tumibay sa tindi ng mga pagsubok nila sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel