Lalaki, ibang level ang performance sa "Tala dance craze" ni Sarah Geronimo

Lalaki, ibang level ang performance sa "Tala dance craze" ni Sarah Geronimo

- Ibang level ang ipinakitang performance ng isang lalaki sa kinagigiliwang "Tala dance craze" na pinasikat ni Sarah Geronimo

- Mabilis na nagviral ang video na ito ng lalaki na may kakaiba palang twist sa huli

- Umani naman ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens

- Mayroon na rin itong libo-libong views sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dinala sa ibang level ng isang lalaki ang ngayo'y kinahuhumalingang "Tala dance craze" na pinasikat ng Philippines' pop princess na si Sarah Geronimo.

Sa isang video na ni-reupload ng Facebook page na Klasik Titos and Titas of Manila, pinahanga ng lalaki ang marami sa kanyang mga "the moves" na kuhang-kuha ang dance step ni Sarah G.

Mabilis na nagviral ang video na may kakaiba palang twist sa huli.

Dahil ang Tala ay nadugtungan ng theme song ng commercial ng sikat na Pinoy fastfood chain na Jollibee na "Nam nam ulam" na sinayaw naman at kinanta ni Anne Curtis.

Kaya naman doble ang aliw na bigay ng viral video na ito sa kakaibang version ng Tala.

Umani rin ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens at may libo-libo nang views sa social media.

"Loveeee itt!"
"HAHA. Effort na effort."
"dat bayaran ka ni jabee..aba..promoting yan."
"Hahhahaha! Pampagoodvibes!"
"Hahaha tala biglang naging jollibee burger steak namnam ulam hahah."
"May twist."
"Iba din. Para paraan."
"At gusto ko ng burger steak ngaun na."

Sa isa pang artikulo mula sa KAMI, viral naman sa social media ang "hataw to the max" ng ilang beki sa Tala na umani rin ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sarah Asher Tua Geronimo ay kilala bilang "Popstar Princess" at "Asia's Popstar Royalty".

Engaged ito sa singer-actor na si Matteo Guidicelli.

Bukod sa magandang boses, kilala rin si Sarah bilang isang magaling na aktres sa Pilipinas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel