Ka-look alike ni Mr. Bean, nag-ala Santa Claus sa mga batang may sakit at mga Aeta

Ka-look alike ni Mr. Bean, nag-ala Santa Claus sa mga batang may sakit at mga Aeta

- Hinangaan ang ka-look alike ni Mr. Bean dahil sa pamimigay niya ng mga papasko sa batang may sakit at katutubong Aeta

- Sampung taon na niyang ginagaya ang sikat na komedyante at sampung taon na rin siyang namamahagi ng regalo sa mga bata

- Bago pa man daw niya gayahin si Mr. Bean ay sadyang matulungin na siya sa mga bata

- Taon-taon ay sadyang pinaghahandaan nila ng kayang misis ang pamimigay ng aginaldo sa mga bata tuwing kapaskuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang pagkakawanggawa ni Mr. Bean look-alike na si Roger Ocampo.

Ayon sa ulat ni Anjo Bagaoisan ng ABS-CBN news, sampung taon nang ginagaya ng 60-anyos na si Roger si Mr. Bean at ganoon na rin siya katagal tumutulong sa mga batang may karamdaman.

Bukod dito, dinarayo rin niya ang mga batang Aeta upang magbigay saya at magbahagi ng mga aginaldo ngayong kapaskuhan.

Mula sa kanyang damit, facial expressions at hawak na si "Teddy," kuhang kuha nga ni Roger si Mr. Bean kaya naman tuwang-tuwa ang mga kabataan sa kanya.

Taon-taon nilang pinaglalaanan ng kanyang misis ang budget sa kanilang gift-giving para sa mga bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa pa mga tinuturo niya rito ay ang pagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang natatanggap.

Nilinaw niya sa mga murang kaisipan ng mga ito, sinasabi niyang di kay "Mr. Bean" galing ang mga regalo kundi sa Diyos.

Naikwento rin niyang di pa man niya noon ginagaya si Mr. Bean ay sadyang matulungin na sila sa mga bata.

Labis namang nasiyahan ang mga bata sa kanilang mga regalong natanggap at parang nakita na rin daw nila ang totoong Mr. Bean.

Si Mr. Bean ay nakilala sa kanyang mga comedy TV show. Maging ang cartoon version nito ay bumenta rin sa publiko.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel