Amang walang mga braso at isang binti, sinurpresa ng anak ni Raffy Tulfo

Amang walang mga braso at isang binti, sinurpresa ng anak ni Raffy Tulfo

- Naging maligaya ang Pasko ng isang ama na PWD mula Isabela

- Hirap sa buhay ang ama na ito na may isang anak dahil sa wala siyang mga braso at iisa lamang ang kanyang mga binti

- Sa kabila ng kanyang kalagayan, di naman siya naging pabigat sa kanyang pamilya

- Binigyan ng anak ni Raffy Tulfo ang ama na ito ng isang di malilimutang Pasko dahil sa mga tulong na kanyang naibahagi sa pamilya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinadya ng anak ni Raffy Tulfo na si Maricel ang isang ama na PWD mula Isabela.

Walang mga braso at isang binti si Jerry Angolwan na mayroon pang isang anak na binubuhay.

Bagaman hirap sa kanyang kalagayan, di naman siya naging pabigat sa kanyang pamilya.

Nag-aalaga pa rin siya ng manok at baboy at nakagagawa pa rin naman siya ng gawaing bahay.

Subalit, di talaga ito sasapat lalo pa at pinagsusumikapan niyang bigyan ng allowance ang kanyang anak na si Khairly.

Nang malaman ito ni Maricel, naluha talaga siya at mas lalong naging desidido na hindi basta-bastang tulong ang ibigay kay Mang Jerry.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiling kasi nitong magkaroon ng sariling baboy na kanyang maalagaan at kapag ito'y kanyang nabenta, magkakaroon siya ng kita.

Tinupad ito ni Maricel at pinalawak pa ang dating kulungan ng mga alaga ni Mang Jerry.

Ipinamili pa niya ito ng mga gamit sa bahay, damit at gamit nilang mag-ama.

Ang masaya pa rito, tinupad din ni Tulfo na mapakain ni Mang Jerry ang kanyang anak sa Jollibee.

Di lamang ito ang tulong na ginawa ni Maricel, binigyan din niya ng oras na mag-bonding sina Mang Jerry at kanyang mga kapatid at pamangkin na minsan na niyang natulungan.

Labis na nagpapasalamat si Mang Jerry sa mga biyayang ito na binigay sa kanya ng programa ni Raffy Tulfo sa tulong ng anak nitong si Maricel.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel