Perang aginaldo, ayos lang na kunin muna ng magulang ayon sa ekperto

Perang aginaldo, ayos lang na kunin muna ng magulang ayon sa ekperto

- Nararapat lamang daw na kunin ng mga magulang ang pera ng napamaskuhan ng mga anak ng kanilang mga magulang

- Pinaliwanag ng isang financial literacy advocate na si Armand Bengco na di rin magandang ipamasko ang pera para sa mga menor de edad

- Mas mainam na laruan, damit o gamit ang ibigay sa mga bata kaysa sa pera

- Kung di naman maiwasan, mas mainam na ilagay ito a bangko upang maturuan na rin ang mga anak ng tamang paghahawak ng pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwing pasko, isa sa mga nagiging usap-usapan ay ang pagtatago o pagkuha ng magulang ang napamaskuhang pera ng kanilang mga anak.

Binigyang linaw ito ng ABS-CBN News nang makapanayam ang financial literacy advocate na si Armand Bengco.

Ayon kay Bengco, nararapat lamang na kunin ng mga magulang ang perang napamaskuhan ng mga menor de adad na anak.

Hindi rin daw kasi talaga dapat na bigyan ng perang aginaldo ang mga bata lalo pa kung wala pa itong alam tungkol sa konsepto ng pera.

Gaya na lamang ng mga viral post tungkol dito na nagugupit ang pera dahil marahil sa di pa alam ng batang binigyan kung ano ang halaga ng salapi.

Mas mainam daw na laruan, damit o gamit na lamang ang i-regalo sa mga batang wala pang 18 taong gulang.

Kung hindi rin naman talaga maiwansang makalikom ng perang pinamaskuhan, ilagay na raw ito sa bangko.

Ito ay isang mainam na paraan ng pagtuturo sa inyong mga anak ng pag-iimpok at paglalagak ng pera sa bangko habang maaga pa.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel