Jeepney driver sa Iloilo, nagbigay ng libre sakay bilang kanyang pamasko

Jeepney driver sa Iloilo, nagbigay ng libre sakay bilang kanyang pamasko

- Hinangaan ang isang jeepney driver sa Iloilo dahil sa panlilibre nito ng sakay sa kanyang mga pasahero ngayong pasko

- Nagugulat ang kanyang mga pasahero pagpasok sa jeep dahil sa pamasko na ito ng tsuper

- Umani ng papuri ang driver dahil sa kanyang munting paraan, namahagi siya ng kabutiihan ngayong kapaskuhan

- Maging ang mga netizens ay bumati ng maligayang pasko sa driver na nagpakita ng totoong kahulugan ng pagbibigayan ngayong pasko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang larawan ng isang jeepney driver na nagbigay ng libre sakay ngayong Disyembre 25.

Ayon sa Panay News, ang libre sakay daw ay papasko ng driver sa mga sasakay sa kanyang jeepney ngayong kapaskuhan.

Kaya naman nagugulat at napapangiti na lamang daw ang mga pasahero nito pagpasok ng jeep pag nakikita na nila ang karatula na libre ang kanilang pamasahe.

Di man nakuha ng netizen na si Kheartlyn Factora Gepes na orihinal na nagbahagi ng larawan ang pangalan ng tsuper, sinabi nitong may plate number FWG 781 ang jeep na biyaheng Pavia-La Paz, Iloilo City.

Hinangaan ng netizens ang driver dahil bukod sa kabutihan nito, mapapansin ding may edad na ang tsuper ngunit patuloy pa rin itong nagtatrabaho.

Dahil dito umani rin ito ng papuri sa mga netizens. Ang ginawa na ito ng driver ay isa sa mga totoong kahulugan ng pasko, ang pagbibigay ng walang hinihinging kapalit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"A simple gesture that can melt a heart..praying that God will bless you more manong!"
"May God bless you even more manong driver. Keep safe always! Merry Christmas!"
"Godbless you manong, Good health and more blessings for the coming year"
"Saludo po kami sayo manong, napakagandang pamasko po ng inyong naisipang gawin. Merry Christmas!"
"He truly had Christ Jesus in his heart. A simple kindness goes a long way. Bless you more Mr driver!

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel