Lalaki, nagnakaw sa bangko para ipasaboy ang pera sabay sigaw ng ‘Merry Christmas!'

Lalaki, nagnakaw sa bangko para ipasaboy ang pera sabay sigaw ng ‘Merry Christmas!'

- Isang lalaki ang inaresto sa Colorado matapos nitong magnakaw sa isang bangko ngayong Kapaskuhan

- Ayon sa isang witness, pinasaboy daw ng witness na si David Wayne Oliver ang pera paglabas niya ng bangko

- Dagdag pa ng witness, sumigaw pa raw ng “Merry Christmas!” ang suspek bago ito umalis

- Agad pinulot ng mga tao ang pera at kusang binalik ito sa bangko matapos ang insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inaresto ang isang lalaki sa Colorado matapos nitong magnakaw sa bangko noong Lunes ng hapon.

Nalaman ng KAMI na ang suspek ay kinilalang si David Wayne Oliver, 65 taong gulang.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ilang witness ang nagsabing matapos ni David magnakaw sa Academy Bank ay lumabas ito at nagpasaboy ng cash.

“He started throwing money out of the bag,” sabi ng witness na si Dion Pascale.

Habang nagpapakalat ng pera, sumigaw pa raw umano si David ng “Merry Christmas!”

Naibalita rin na matapos magpasaboy ng pera ni David ay pumunta ito sa Starbucks na malapit at hinintay na lamang na arestuhin siya.

Dagdag pa ng witness, pinulot ng mga tao ang pera at kusang binalik ito sa bangko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, humaharap naman ngayon ng $10,000 na kaso si David, ayon sa The Denver Post.

Subalit, hindi pa rin nakukumpirma hanggang sa ngayon ang dami ng pera na nanakaw ni David mula sa bangko.

Kasalukuyang nasa El Paso County jail si David. Nakatakda ang kanyang kauna-unahang court appearance ngayong darating na Huwebes.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel