Jackie Chan, muntik mamatay sa shooting ng movie; direktor, naiyak sa nangyari

Jackie Chan, muntik mamatay sa shooting ng movie; direktor, naiyak sa nangyari

- Si Jackie Chan ay naging superstar dahil sa paggawa ng sariling stunts pero maraming beses na rin nanganib ang buhay dahil dito

- Sa kanyang bagong movie na “Vanguard,” muntik mamatay si Chan sa shooting ng kanyang jet ski scene

- Nangyari ito nang maipit si Chan sa malaking bato sa filming ng eksena sa nasabing pelikula

- Buti na lamang ay nailigtas siya ng rescue team bago siya tuluyang malunod

- Dahil sa nangyari, hindi napigilan ng kanyang direktor na si Stanley Tong na maiyak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jackie Chan ay sikat sa paggawa ng kanyang sariling stunts pero maraming beses na rin nanganib ang kanyang buhay dahil dito.

Ayon sa report ng Chinese news site na China.org.cn, muntik nang mamatay si Chan sa shooting ng isang action scene sa bago niyang movie na “Vanguard.”

Ito ay nangyari nang maipit si Chan sa malaking bato sa filming ng kanyang jet ski scene sa nasabing pelikula.

Buti na lamang ay nailigtas siya ng rescue team bago siya tuluyang malunod.

"When I took a shower later that night and remembered the incident, I suddenly felt really scared and started shaking. I was thinking about how I could have so easily died,” pag-amin ni Chan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang direktor ng “Vanguard” na si Stanley Tong ay naiyak dahil sa muntik na pagkamatay ng kanyang aktor.

"When I saw Jackie saved and when he emerged out of the water, I just could not hold back my tears," sabi ni Tong.

Si Jackie Chan ay kinikilala bilang isa sa mga pinaka-mahusay na action stars sa buong mundo. Ang ilan sa kanyang mga pelikula ay Rush Hour, Police Story, Kung Fu Panda, Drunken Master, at Mr. Nice Guy.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel