525 na pamilya sa Bicol, lumikas dahil sa bagyong Ursula

525 na pamilya sa Bicol, lumikas dahil sa bagyong Ursula

- Nasa 525 na pamilya mula Maninila village sa Guinobatan, Albay ang nagsilikas bilang paghahanda sa bagyong Ursula

- Nagsipagluto na raw ang nanay ng Noche Bueana para sa kani-kanilang pamilya na pagsasaluhan sa evacuation center

- Nakataas na ang signal number 2 sa Albay kaya naman nagsagawa na ng force evacuation ang awtoridad bilang pag-iingat sa posibleng pagbaha at landslide na nagaganap sa lugar

- Maging ang ibang lugar ay nagkahanda na rin ang mga evacuation centers na maaring mapaglikasan ng mga apektadong lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil isa nang ganap na bagyo si Ursula na pumasok na sa bansa, ilan sa ating mga kababayan ay magpapasko sa ga evacuation centers.

Binahagi ng Inquirer ang larawan ng mga bakwit ng Maninila village sa Guinobatan, Albay na naghahanda nang lumikas bilang paghahanda sa bagyong Ursula.

Nalaman ng KAMI na 525 na mga pamilya ang nagsilikas na mula sa nasabing lugar na madalas makaranas ng pagbaha at landslide.

Ayon pa sa ilang mga nanay na bakwit, nagsipaglutao na sila ng kanilang mga handa para sa Noche Buena. Doon na sila magsasalo-salo sa mga evacuation centers pagpatak ng alas dose ng hatinggabi ng Disyembre 25.

Nakataas na sa signal number 2 ang bagyong Ursula sa Albay at mga karatig na lugar nito tulad ng Southern portion of Quezon (Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco), Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro including Lubang Island, Romblon, Sorsogon at Masbate.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Signal number 3 na sa Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte at Camotes Islands.

Makararanas naman ng pabugbugsong pag-ulan ang Metro Manila, Bulacan, Bataan, Rizal, Cavite, ilang bahagi ng Quezon, Laguna, Batangas, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, northern Palawan, Calamian Islands at Cuyo Islands kung saan nakataas ang signal number 1.

Dahil na rin sa bagyo, ilang biyaheng pandagat na rin ang kanselado bilang pag-iingat ngunit marami rin ang mga stranded sa port at magpapasko roon.

Inaasahang sa Sabado pa, Disyembre 28 tuluyang makakaalis sa Philippine Area of responsibility ang bagyong Ursula.

Doble ingat sa ating mga kababayan at siguraduhing maging ligtas lalo pa ngayong panahon ng kapaskuhan kung saan magkakasama dapat ang magkakapamilya.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel