Pinay OFW, mahigpit na niyakap ang ina nang surpresahin ito bago mag-Pasko

Pinay OFW, mahigpit na niyakap ang ina nang surpresahin ito bago mag-Pasko

- Isang Pinay na overseas Filipino worker (OFW) ang sinurpresa ang sarili niyang ina ngayong malapit na mag-Pasko

- Nagulat na lang ang nanay nang buksan ang pinto at ang anak niyang galing abroad ang bumungad sa kanya

- Labis na naging emosyonal ang mag-ina at mahigpit nilang niyakap ang isa’t-isa nang magkita sila

- Samantala, naiyak at na-touch din ang mga netizens sa naging emosyonal na reunion ng mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masaya ang Pasko ng isang nanay nang surpresahin siya ng kanyang anak na overseas Filipino worker (OFW).

Nalaman ng KAMI na napaaga ang uwi ng Pinay OFW kaysa sa petsa na alam ng nanay niya.

Ibinahagi ng netizen na si Jjane Gamus De Guzman ang video kung saan makikita ang pagsurpresa niya sa kanyang ina.

“Yakap ng isang ina.... Surprising my mother. Tinignan muna nya ako from head to foot bago cya naka react,” sabi nito sa caption ng video.

Kwento niya, ang alam ng nanay niya ay December 21. Subalit, dumating siya ng Pinas noong December 16.

“Nag expect kasi cya na sa 21 pa ang uwi ko,” sabi nito.

“Bakit daw di ako nagsabi, edi sana nalutuan daw nya ako ng paborito kong ulam,” dagdag pa niya.

Makikita nga sa video na labis ang gulat ng ina nang buksan ang pinto at makita ang anak niya. Agad niyakap ng OFW nag nanay niya at parehas silang naging emosyonal.

Tila hindi makapaniwala ang nanay na muli na niyang kasama ang anak niya lalo na ngayong malapit na ang Pasko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, natuwa rin ang mga netizens sa emosyonal na reunion ng mag-ina. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook video:

“Ang sarap sa pakiramdam na mayakap ang mga mahal sa buhay lalo ang magulang”
“Nakakaiyak naman”
“Merry na Merry talaga ang Christmas pag complete family.”
“aaawww kaiyak nman ay... namiss ko tuloy ang nanay ko...”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel