Baby na iniwan sa tabi ng basurahan, may-ari na ngayon ng multi-million company sa US

Baby na iniwan sa tabi ng basurahan, may-ari na ngayon ng multi-million company sa US

- Hindi naging madali ang buhay ng isang bigating businessman sa United States

- Kwento ni Freddie Figgers, inabandona siya ng kanyang mga totoong magulang dalawang araw matapos siya ipinanganak

- Labis naman ang pasasalamat ni Freddie sa mag-asawang inampon siya at pinalaki nang maayos

- Ngayon, si Freddie ay ang may-ari ng multi-million company sa US na Figgers Wireless

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang baby ang iniwan sa tabi ng mga basurahan sa Florida noong 1989, dalawang araw matapos ito ipinanganak.

Nalaman ng KAMI na kahit naging ulila noon, naging matagumpay naman ang lalaki ngayon.

Ayon sa ulat ng Washington Post, isang tao ang nakatagpo sa baby at agad dinala ito sa pulisya. Nilagay ang bata sa ampunan kung saan naman siya nakilala ni Nathan at Betty Figgers na umampon na rin sa kanya.

Pinangalanan siya bilang Freddie ng mag-asawang umampon sa kanya. Habang lumalaki ay tinutukso rin siya ng mga kaklase niya dahil sa kwento ng kanyang buhay.

“My parents told me the truth about what happened as I grew older. I thought about it a lot as a kid, and I'd have to say it was embarrassing when I was younger,” giit ni Freddie.

Kwento pa ni Freddie, nagbago ang buhay niya nang bilhan siya ng sirang computer ng tatay niya noon. Kinalikot niya nang kinalikot ang computer hanggang sa gumana ulit ito at doon na nagsimula ang kanyang interes sa teknolohiya.

Sa murang edad na 13, nagkaroon na siya ng trabaho bilang taga-ayos ng mga computer. Nang maging 15 anyos na siya ay sinimulan na niya ang kanyang unang kompanya na Figgers Computers.

“When I was 17, I had 150 clients that needed websites and storage for their files. I just kept building from there,” sabi ni Freddie.

Noong 2012 ay mas naging big time si Freddie nang maka-imbento siya ng GPS tracker. Nagmula ang ideya na ito dahil sa tatay niyang may Alzheimer’s disease.

“I created a device that I could insert in his shoe that would allow me to track him, plus talk to him through his shoe,” aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayon, si Freddie ang founder ng multi-million company na Figgers Wireless. Mayroon din siyang Figgers Foundation para sa mga na ngangailangang estudyante.

Malaki ang pasasalamat ni Freddie sa nag-ampon sa kanya at nagsilbing mga magulang niya.

“My parents adopted me and gave me love and a future. They did their best to make the world a better place, and now that’s all I want to do, too,” giit ni Freddie.

Nais ni Freddie na magsilbing inspirasyon sa ibang tao upang maging mabuti at tumulong sa kapwa.

“I’m just one person, but I believe that if I can have an impact on even one other person, it can multiply. I want my daughter to grow up knowing that,” sabi niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel