Viral video ng lolang kargador, nagpaluha sa maraming netizens

Viral video ng lolang kargador, nagpaluha sa maraming netizens

- Nadurog ang puso ng maraming netizens sa viral video ng isang lola na kargador

- Sa kabila ng maaliwalas na mukha ng lola, bakas sa mukha nito na hirap siya sa kanyang ginagawa

- Marami ang nais magpaabot ng tulong sa lola matapos mag-viral ng video

- Umabot na sa mahigit 2 million ang views ng nakakaantig ng puso na video na ito

Viral ang maiksing video ng isang lola na kargador pa rin ng sako-sakong gulay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng Facebook page na Astrophile noong Disyembre 21 ang video na nagpaluha umano sa maraming netizens.

Dalawang lalaki ang umalalay sa lola habang itinatali nito ang papasaning sako ng mais upang mabuhat niya ng maayos.

Maging ang mga lalaki ay makikitang bahagyang nag-alala para sa matanda ngunit di nila napigilang ito sa pagbubuhat.

Bagaman at maaliwalas ang mukha ng lola, mababakas pa rin sa kaya na nahihirapan siya sa kanyang ginagawa.

Ngunit sa kabila ng kanyang edad, sinisikap pa rin niyang magampanan ang pinasok na trabaho na ito para lamang may kitain upang may makain sa araw-araw.

Ayon sa mga netizens, bagaman at kahanga-hanga ang ginagawa, nakakalungkot pa rin daw isipin na kailangan pa rin itong gawin ng matanda.

Walang ibang hiling ang netizens kundi ang matulungan ang lola upang hindi na nito pasukin ang ganitong klaseng trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa video na umabot na ng mahigit dalawang milyon sa loob lamang ng tatlong araw:

"Very strong c nanay.admirable!!!see despite of her age still she works hard without complaining.. God bless u nay good health,strong body and mind."
"Hanggat kaya ni lola magtrabaho go lang kasi mas manghihina sila pag sa bahay lang sila na walang gingawa karamihan sa mga matatanda po mas malakas sila pag may gingawa po sila kahit mahirap at batak sila sa trabaho..mas magkakasakit sila pag palagi nakaupo lang na walang ginagawa.mas tumatagal pa nga buhay ng mga ganyang mga matatanda"
"This video shows how strong women are. Dont get the wrong idea from your own perspective.. She is a real Wonder Woman.. She deserve a gold medal."
"It really breaks my heart if someone that is old still doing that, and also the one that took the video didn't even help her, think of it the video got popular, but yet nobody helped her"
"Kahit trabaho ni nanay yan sana man lang tinulungan ng dalawang walang kwentang lalaki or di man lang inalalalayan hays diko alam nararamdaman ko"
"Lord bigyan mo po ng lakas ng katawan c lola sna plgi sya ligtas hnd mgkasakit.kyo npo bahala skanya s tulong mo po hnd sya mhihirapan."

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel