Gamot kontra-dengue na nilikha ng mga Pinoy, kauna-unahan sa mundo
- Kauna-unahan sa buong mundo ang gamot na nilikha ng ilang Pinoy na mabisa raw na pangontra sa dengue
- Ang dumaraming kaso ng nakamamatay na sakit na ito ang nagtulak sa team na gumawa nito para gawin ang gamot
- At bagamat sasailalim pa ito sa mga tests sa susunod na anim na buwan, nanindigan ang mga ito na 100 percent na ang bisa ng gamot
- Sa ngayon, wala pang presyo ang gamot ngunit sigurado raw na mas mababa ito kumpara sa mga gamutang ginagastos ng isang pasyenteng may dengue
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Kauna-unahan daw sa buong mundo ang gamot na pangontra sa dengue na nilikha ng ilang mga Pilipino.
Ayon sa ulat ng GMA News, posibleng mabili na ito sa bansa matapos ang pitong taong pag-aaral at research tungkol dito.
"It's not a vaccine, it's not a herbal supplement. It is a drug that has an activity against the virus," ayon kay Dr. Rita Grace Alvero na siyang nanguna sa isang team sa likod ng pag-aaral tungkol sa gamot.
"So parang sinasabi natin na pag ininom ito ng pasyente, gagaling 'yung kanyang signs and symptoms. So i-cure niya talaga yung dengue," dagdag nito.
Ang gamot na ito ay gawa sa tree herbs o endemic plants na tumutubo sa Pilipinas.
Ayon sa report, sigurado umano na ligtas at walang side effects ang gamot base sa unang phase ng testing dito.
At bagamat sasailalim pa rin ito sa mga series of tests sa susunod na anim na buwan, sinisiguro naman ni Alvero na 100 porsyento ang epekto ng gamot na ito kahit pa sa mga pasyenteng mayroon nang komplikasyon.
Ang dumarami raw na kaso ng dengue ang siyang nagtulak kay Alvero para humanap at tumuklas ng lunas laban sa nakamamatay na sakit.
At kahit wala pang presyo ang gamot na ito, sinisiguro naman ni Alvero na mas mababa ito kumpara sa gamutang ginagastos ng isang pasyenteng may dengue sa ngayon.
"Nung ginawa namin 'to, ang naisip talaga namin para tumulong so 'yung cost dito would be less than the cost ng ginagamit ng isang pasyente kung siya ay may mild na dengue pag siya ay mag co-consult sa clinic or mas lalo siyang mas mababa kaysa sa mga pasyente na nag-punta sa hospital para magpa-confine," anito.
Maging ang Department Of Health (DOH), kumbinsido rin daw sa bisa ng gamot na ito.
Ang Department of Science and Technology (DOST) mismo ang nagpopondo sa pag-aaral sa gamot na ito na bahagi ng Tuklas Lunas program nito na naglalayong tumuklas at makalikha ng mga gamot laban sa mga sakit na madalas na dumadapo sa mga Pilipino.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh