Bagyo sa Kapaskuhan? Bagyong Ursula, pumasok na sa PAR

Bagyo sa Kapaskuhan? Bagyong Ursula, pumasok na sa PAR

- Pumasok na ngayong umaga sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na Phanfone

- Bandang 5 a.m. nang mag-abiso ang PAGASA sa pagpasok nito sa bansa na papangalanang Ursula

- Ayon sa PAGASA, bagamat wala pang nararamdamang epekto ang bagyo sa bansa, nagbigay na ito ng abiso na patuloy na antabayanan ang report ng weather bureau

- Inaasahang magla-landfall si Ursula sa eastern Visayas-Caraga area sa Martes ng gabi, December 24

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong may international name na Phanfone.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bandang 5 a.m. ngayong umaga nang pumasok ang bagyo sa bansa na tatawaging Ursula.

Base sa huling update ng PAGASA, taglay ni Ursula ang lakas ng hangin na umaabot sa 65/kph at at pagbugso na umaabot naman sa 80/kph.

At kahit wala pang direktang epekto na nararamdaman dahil sa bagyo, nagbigay naman ng abiso ang PAGASA na manatiling alerto sa mga ilalabas na update ang weather bureau.

"At 5AM today, Tropical Storm Phanfone entered the Philippine Area of Responsibility and was named #UrsulaPH. Severe Weather Bulletins will be issued starting at 8AM."

Inaasahan na magla-landfall si Ursula sa eastern Visayas-Caraga area sa Martes ng gabi, December 24, isang araw bago ang Pasko.

Bukod dito, inaasahan na rin na mas lalo pang lalakas ang bagyo sa mga susunod na araw at oras na nasa tropical storm category na.

Posible na rin daw na magtaas ng tropical cyclone warning signal sa ilang bahagi ng eastern Visayas at northeast Mindanao ngayong umaga.

Pero maaari rin daw na makaranas ng pag-ulan ang Metro Manila dahil sa bagyo sa Miyerkules, araw ng Pasko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel