LTFRB, pinabulaanan ang pahayag ng Angkas na pagbabawas nila ng nasa 20,000 na riders

LTFRB, pinabulaanan ang pahayag ng Angkas na pagbabawas nila ng nasa 20,000 na riders

- Itinanggi ng LTFRB ang pahayag ng Angkas na mababawasan umano sila ng riders pagpatak ng 2020

- Katunayan, mula 27,000 inaasahang maging 39,000 pa ang bilang ng mga motor taxi sa bansa

- Binigyang linaw ito ng LTFRB dahil pinahintulutan na nila ang dalawa pang transport network companies na nag-operate sa bansa

- Dahil dito, wala raw dapat ipangamba ang mga sumusuporta sa Angkas na baka mawalan sila ng "tagasalba sa traffic" dahil dadami pa raw ang mga ito pagpatak ng 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binigyang linaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pahayag ng Angkas na maaring mawalan ng trabaho ang nasa 20,000 nilang mga riders pagpatak ng taong 2020.

Ayon sa CNN Philippines, mariing itinanggi ng LTFRB ang nilabas na opisyal ng Angkas na siyang nagbunsod ng isang Unity-Gathering noong Disyembre 22 para umapela pagbabawas ng kanilang mga empleyado.

Ito raw ay walang katotohanan at walang basehan ayon sa LTFRB.

Katunayan, mula 27,000 na motor-taxi, madaragdagan pa raw ito ng hanggang 39,000.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinahintulutan na kasi nila ang dalawa pang transport network companies na MoveIt and JoyRide.

"Nagdagdag tayo ng dalawang TNC upang hindi ma-monopolize ang mga datos ng mga kalahok sa pag aaral na ito,” ayon kay technical working group chairman Antonio Gardiola.

Una nang naibalita ng KAMI ang trending na #SaveAngkas sa Twitter at iba pang social media.

Apektado ang mga supporters ng Angkas sa nag-trending na pahayag na ito dahil napakalaking bagay daw ng motor-taxi sa kanila lalo na ng lumalalang problema ng trapiko sa bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel