Korean director ng 'Miracle in cell no. 7', nasa 1,000 beses na iniyakan ang pelikula

Korean director ng 'Miracle in cell no. 7', nasa 1,000 beses na iniyakan ang pelikula

- Binahagi ng orihinal na direktor ng hit Korean movie na 'Miracle in cell no.7' na maging siya ay iniyakan din ang naturang pelikula

- Nasa 1,000 beses nga raw niya itong iniyakan at naaantig pa rin ang kanyang damdamin sa tuwing ito'y kanyang pinapanood

- Noong palabas ito sa mga sinehan sa Korea, mayroon nang mga kahon ng tissue na nakahanda bago pa pumasok ang mga nanonood

- Umani ng papuri ang casting pa lamang ng Filipino-remake nito nang makita ng mga manonood ang trailer nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging ang orihinal na direktor ng 'Miracle in cell no. 7' na si Lee Hwan-kyung, ay makailang beses ding iniyakan ang nakakadurog ng pusong pelikula na ito.

Ayon sa panayam ni Ricky Lo ng Philippine Star sa direktor, naikwento raw nitong nakakaubos siya ng isang kahon ng tissue tuwing ito'y kanyang napapanood.

"You better believe me, Every time I watched it, I would consume a boxful of tissue. In fact, in the theaters where it was shown, boxes of tissue were put at the entrance for moviegoers as they entered," pahayag mismo ni Lee na kasama ang producer, Kim Min-ki na lumipad patungong Pilipinas para sa premiere ng Filipino-remake nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa ni Lee, maliit lamang umano ang budget niya sa naturang pelikula, ngunit ito raw ang isa sa may pinakamalaking kita na pelikula sa South Korea.

Ang Filipino-remake ng 'Miracle in cell no.7' ay isa sa opisyal na entry sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Pinangungunahan ito ng batikang aktor ng bansa na Aga Muhlach kasama rin sina Bela Padilla at Xia Rigor, John Arcilla, Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, with at Tirso Cruz III sa direksyon ni Mel Mendoza Del Rosario.

Mapapanood ang pinakaabangang pelikulang ito sa pasko, Disyembre 25.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel