Walang ligoy! Naunsyaming 'ninang', ibinahagi ang convo nila ng kanyang "marz"

Walang ligoy! Naunsyaming 'ninang', ibinahagi ang convo nila ng kanyang "marz"

- Talagang ikinagulat ng isang ninang ang naging mensahe sa kanya ng kanyang kaibigan na kinukuha siyang ninang sa binyag

- Ayon sa conversation na ibinahagi ng netizen, ipinasasagot sa kanya ng kanyang "marz" ang cake na halagang P5K at bayad sa simbahan na P800

- Magalang naman itong tinanggihan ng netizen at nangako na babawi na lamang sa mga susunod na pagkakataon

- Ngunit hindi ito nagustuhan ni "Marz" at nagbanta pa na iba na lamang ang kukuning ninang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila ikinawindang ng isang ginang ang mensahe ng kanyang kaibigan na kinukuha sana siyang ninang ng anak nito.

Ibinahagi ng netizen na si Angel Samarita Perez ang conversation nila ng kanyang "marz".

Ayon dito, walang paligoy-ligoy ang request ni "Marz" na si Angel na lamang ang sumagot sa three-layered cake ng future inaanak sana nito na nagkakahalaga ng P5K.

Maging ang bayad sa simbahan na P800 ay ipinsasagot din ni "Marz" sa kanya.

Ayon pa nga rito ay seaman naman daw ang mister ni Angel kaya naman siguradong-sigurado ito na kaya ng ginang ang pinasasagot nito sa kanya.

Magalang namang tinanggihan ni Angel ang request ni "marz" at sinabing dumaan din sila sa gastos dahil katatapos lamang ng kaarawan ng anak nila at binanggit pa nito na ang sarili ngang anak ay isang layer lamang ang cake.

Hindi naman nagustuhan ni "marz" ang naging sagot ni Angel at nagbanta pa na iba na lamang ang kukuning ninang.

Kinuha raw kasi nito si Angel dahil alam nitong galante ang ginang.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon sa social media.

"Nakakainis to, di ko mapigilan di mag comment. pag walang pang handa wag mag pa binyag. May masabe lang. Grabe akala pinupulot ang pera! Hirap hirap magtrabho."

"Bkit daming demand."

"Ay grabe nmn yn neng prang my patagong pera sau."

"Grabe ha..dna nahiya kung ako nd ako magnininang jan ..tsaka sila babayad sa simbahan hindi ikaw."

"Kow..mag ipon muna sya..bago magpa binyag."

"Ang pagkuha sa ninang o ninong ay hindi basehan kung anu ang meron sila ang kelangan ay gabay sa mga bata hindi kung anu anu hinihingi."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel