Isang bride, naglabas ng sama ng loob laban sa kanyang wedding organizer

Isang bride, naglabas ng sama ng loob laban sa kanyang wedding organizer

- Hindi napigilang maglabas ng sama ng loob sa social media ng isang bride

- Ito ay matapos tipirin ng kanyang kinuhang wedding organizer ang kanyang kasal

- Bukod sa palpak na design ng venue, nagutom din diumano ang mga ilang bisita

- Nagsiuwian na ang karamihan sa mga bisita dahil nagutom daw sila hindi pa man nagsisimula ang program sa reception

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maglabas ng sama ng loob ng isang bride na kumuha ng serbisyo ng isang wedding organizer.

Ibinahagi ng Facebook user na si Charlene Ocampo Bernarte ang masaklap na sinapit ng kanyang kasal dahil sa kagagawan kanyang wedding organizer.

Ayon sa kanya, maganda ang mga samples na pinakita sa kanya kaya umasa siyang maganda din ang magiging kalalabasan ng kanilang venue,

Naging problema rin para sa bride ang late na pagbigay ng invitation, gown at damit. Sa kabila ng pagkuha nila ng sukat, tatlo diumano sa kanilang groomsmen ang kinailangang bumili ng pantalon dahil hindi kasya ang pantalon na tinahi para sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, kahit ang mga principal sponsors ay nagutom na din sa palpak na catering service.

"Kainan na! Anong ginawa nyo sa principal sponsors!!! Ginutom nyo first time kong nakakita ng catering na bibigyan nyo ang major sponsor ng 1small slice tapos dadating after 10mins ang isa pang slice ng food, wala ng sasaket pa yung marinig mo yung mga tao na tara na alis nalang tayo dun nalang tayo kumain sa labas!!"

Aniya, trauma ang dinulot ng kaniyang karanasan sa kaniya imbes na maging memorable ang araw ng kasal niya.

"Grabing kahihiyan ang dinulot nyo sa pamilya ko, yung alaala na iniwan nyo sa mismong kasal ko na dapat masasayang alala pero nauwi sa trauma," aniya.

Samantala, sa naunang ulat, naging agaw eksena ang kakaibang prenup pictures na ibinahagi sa social media.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel