Bangkay ng Pinay na nawala noong 2018 sa Indonesia, nakauwi na sa bansa

Bangkay ng Pinay na nawala noong 2018 sa Indonesia, nakauwi na sa bansa

- Nakauwi na sa bansa ang bangkay ng dalagang biglang nawala noong isang taon sa Bali, Indonesia

- Noong Agosto, natagpuan ang naaagnas at 'di na makilalang mga labi nito na nakasilid sa isang box

- Matandaang idineklarang "missing" ang dalaga noong Disyembre 2018 na nagbabakasyon lamang sa nasabing bansa

- Patuloy naman na hinahanap ng mga awtoridad ang kaibigan at kasamahan nito sa trabaho na isang Russian na huli nitong nakasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang isang taon, nakauwi na sa bansa ang bangkay ng dalagang si Ella Balmaceda Paaño na una nang naiulat na "missing" sa Bali, Indonesia.

Nitong Agosto lamang, nadiskubre ang naaagnas at 'di na makilalang mga labi nito na nakasilid sa isang box.

Matatandaang Disyembre noong nakaraang taon nang maiulat ang biglaang pagkawala ng dalaga habang nasa bakasyon, na una nang naiulat ng KAMI.

Ang huling balita ng mga kaanak ni Ella, ay umupa ito ng isang itim na scooter para maglibot sa Bali. Ngunit matapos nito ay hindi na umano nakontak ang dalaga.

Samantala, patuloy naman na hinahanap ang Russian na kaibigan at kasamahan nito sa trabaho na naiulat na huli nitong nakasama.

Pero noong makausap daw ito ng mga kaanak ng biktima ay sinabi nito na naghiwalay na umano sila ni Ella noong Disyembre 24.

"Nu'ng kinontak po namin siya, sabi niya daw po hindi niya raw po alam kung nasaan 'yung kapatid ko...

Umalis daw po siya pumunta ng Papua New Guinea. Iniwan niya daw po 'yung kapatid ko doon sa Bali...

Siya lang po talaga 'tong makakasagot ng lahat po. Kasi siya po 'yung kasama do'n... Kaya alam ko pong siya po ang may kinalaman," ayon kay Eden Paaño, kapatid ng biktima, base sa ulat ng GMA News (Author, Jamil Santos).

Hinala naman ng pinsan at kasamahan din sa trabaho ni Ella na si Anastacio Ostonal, selos ang posibleng naging ugat ng pangyayari. Malapit daw kasi ang biktima sa employer nito na isang Spanish.

"Wala naman po siyang kaaway doon. Ang dahilan lang po siguro nagseselos lang 'yung Russian na 'yon... Ang may relasyon ''yung nakikita ko, 'yung Russian [tsaka 'yung] boss [na Spanish]," anito.

Hindi na rin umano makontak ng pamilya ni Ella ang Russian na kaibigan nito at ang boss nito na Spanish.

Labis na pagluluksa at panghihinayang ang naramdaman ng mga kaanak ni Ella sa maaga nitong pagkamatay.

Nananawagan din sila ng tulong na maipa-DNA muli ang mga labi ng biktima para malaman kung ano ang ikinamatay ng dalaga.

Ayon pa sa kapatid ni Ella, maaaring apat na buwan pa lamang ang nakaraan nang mamatay ang biktima base sa isinagawang DNA rito noong Agosto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel