7 patay at mahigit 60 ang isinugod sa ospital dahil sa lambanog sa Laguna

7 patay at mahigit 60 ang isinugod sa ospital dahil sa lambanog sa Laguna

- Kumpirmadong pito na ang nasawi sa Rizal sa Laguna at mahigit 60 pa ang nasa ospital dahil sa pag-inom ng lambanog

- Ang ulat na ito ay ayon mismo kay Mayor Vener Muñoz

- Sabi pa ng alkalde, kasalukuyang nasa PGH na ang mga biktima dahil inilipat na ang mga ito roon dahil nangailangan na sila ng tulong

- Base sa nakalap na impormasyon ng alkalde, iisa ang tindahan na binilihan ng lambanog na nainom ng mga biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumpirmadong pito na ang nasawi sa Rizal sa Barangay Pook sa Rizal, Laguna matapos uminom ng lambanog, Linggo ng umaga.

Mahigit 60 naman ang dinala na sa ospital dahil din dito, ayon mismo kay Mayor Vener Muñoz sa panayam dito ng DZMM.

Inilipat na rin ang mga biktima sa Philippine General Hospital (PGH), na patuloy pa raw na nadadagdagan ayon kay Mayor Muñoz.

Base sa nakalap na impormasyon ng alkalde, galing sa mga Christmas party ang mga biktima.

At bagamat magkakahiwalay na party ang dinaluhan ng mga ito ay iisa naman ang tindahan na binilihan ng lambanog na nainom ng mga biktima.

"Iba't-ibang Christmas party pero... iisa ang kanilang binilihan," ayon kay Muñoz.

Sabi naman ni Muñoz agad na ipinasara ang mga tindahan ng lambanog sa kanilang lugar.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Matatandaang Disyembre noong nakaraang taon din nang may mamatay sa pag-inom ng lambanog sa mga bayan ng Laguna at Tarlac at maging sa Quezon City, na una nang naiulat ng KAMI.

Ayon sa isang ulat ng GMA News, mas mataas ang alcohol content ng lambanog kumpara sa beer. Depende sa ininom at sa taas ng alcohol content, maaring tumaas ang blood alcohol concentration. Habang pataas ito, pataas din ang nakaambang panganib.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel