Vic Sotto, handa na diumanong bigyan ng kalaro si Tali

Vic Sotto, handa na diumanong bigyan ng kalaro si Tali

- Handa na umanong sundan ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang anak nilang si Talitha Maria

- Humahanap lamang ng tamang tiyempo si bossing lalo at naghahanap na daw ng kalaro si Tali

- Isa daw sa kanilang Christmas wish na mag-asawa ay ang madagdagan ang kanilang pamilya

- Dagdag pa ni Vic, abala pa siya sa ibang mga bagay sa kasalukuyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Handa na diumanong magkaroon ng pangalawang baby ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna. Gayunpaman, tumityempo pa lamang daw si bossing lalo at abala pa sila sa ilang mga bagay.

Oh yes definitely. Naghahanap nang kalaro si Tali eh. Hinihintay ko pang lumamig pa yung panahon… Wala pa eh, bitin pa. Medyo busy pa ako,” ani Vic sa isang panayam ng Philippine Star.

Nauna nang sinabi ng mag-asawang Pauleen at Vic na gusto na nilang masundan si Tali na ngayon ay dalawang taong gulang na.

Isa diumano iyon sa kanilang Christmas wish.

Isa sa mga Christmas wishes ko ‘yun, na sana magkaroon pa ng another baby. It doesn’t matter if it’s a boy or girl, basta magkaroon lang ng playmate si Tali,” ani Pauleen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“I’m ready. Well, sana boy, pero kahit ano ibigay ng Diyos siyempre,” dagdag pa niya.

Sa naunang ulat, nagbigay ng kaniyang saloobin si Vic hinggil sa napapabalitang namumuong pagtitinginan nina Vico Sotto at Gretchen Ho.

Si Vic Sotto ay isang sikat na aktor, komedyante, film producer, singer-songwriter, at television presenter na nasa industriya ng showbiz simula pa noong 70s. Naging ‘Box Office King’ siya ng maraming beses.

Dating kasal siya sa aktres na si Dina Bonnevie at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Danica Sotto at Oyo Boy Sotto na parehong may asawa na at mga magulang na rin. Ngayon, ay kasal siya kay Pauleen Luna, ang kanyang kasamahan at dabarkads sa sikat na noontime show sa Kapuso ang ‘Eat Bulaga,’ at may isang anak na sila. May dalawa pang anak siya na sina Vico Sotto, anak nyang lalaki sa aktres na si Coney Reyes, at si Paulina Sotto, ang anak nya kay Angela Luz.

POPULAR: Read more about Vic Sotto here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel