Ai-Ai delas Alas, nanawagang ipahinto ang isang pelikulang may sensitibong tema

Ai-Ai delas Alas, nanawagang ipahinto ang isang pelikulang may sensitibong tema

- Hindi napigilang umalma ni Ai-Ai delas Alas sa isang pelikulang kasalukuyang napapanood sa Netflix

- Kinondena niya ang pagpapalabas ng The First Temptation of Christ, ang religious Brazilian satire movie

- Hinimok ni Ai-Ai ang kanyang mga followers at iba pang netizen na pumirma sa petition para ipahinto ang pagpapalabas ng pelikulang ito

- Pinapakitang isang bakla si Jesus Christ, at nakakabahala para sa karamihan sa mga Kristiyano ang nasabing pelikula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalmahan ni Ai-Ai delas Alas ang pagpapalabas ng pelikulang The First Temptation of Christ, ang religious Brazilian satire movie na mapapanood sa Netflix.

Hinimok ni Ai-Ai ang lahat na pumirma sa petition para ipahinto ng Netflix ang pagpapalabas sa pelikula na lumalapastangan kina Jesus Christ, Blessed Virgin Mary, St. Joseph, at sa Diyos Ama.

Pinapakita sa pelikulang ito na binabae si Jesus at nagmumura din ang ilang mga karakter na tinuturing na banal ng mga Kristiyano.

Porta dos Fundos ang producer ng The First Temptation of Christ pero hindi sila nagpaapekto sa mga banta na i-boycott at alisin sa Netflix ang kanilang kontrobersyal na pelikula.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon ng mga producers, homophobic lang ang mga nagpoprotesta laban sa pelikula. Gayunpaman, nangibabaw ang desisyon ng publiko na huwag panoorin ang blasphemous Brazilian Christmas special kung pagbabasehan ang mga survey.

Samantala, narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens hinggil dito:

Sobrang pambabastos yung gawan ng kwento ang ating Panginoon. Mga lapastangan!
Pwede namang gumawa kasi ng ganyang theme na movie pero ung character gagamitin eh Diyos matakot namn kayo. We stand witj our beliefs like you stand with yours. kung di kayo naniniwalang may diyos.. respesto lang..this is not funny...this is completely a blasphemy.
Yung tipong napakasensitive nila pero insensitive at the same time. Yung gusto nila irespeto sila pero sila walang respeto sa paniniwala mo. Sobra naman na yan
For us Catholics, we cannot take it. We find it a low blow for what we believe in. Pero it's an artistic decision that the producers of the movie wants to go through. Let us just accept the fact, that not everything has to go our way and other people find other concept entertaining. Again, not everything has to go our way. We live in a free world, let other people who have different beliefs express what they want. If we find it offensive, don't watch. Simple as that. But let us not impose our own beliefs to people who don't want to take it. Otherwise, let's just call ourselves Hitler.
So sila okay lang magpaka ekseheradang mag rally sa mga rights nila tapos ung mga against sa kanila okay lng mabastos?? Is that ur point??

Sa naunang ulat, umani ng samu't-saring reaksiyon ang pahayag ni Ai-Ai hinggil sa mga kandidata sa Miss World PH 2019.

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan ay isang performer, comedienne at film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit.

POPULAR: Read more about AI-Ai delas Alas here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel