Beauty Gonzalez, isinugod sa hospital dahil sa pinsalang tinamo sa mga eksena sa KG

Beauty Gonzalez, isinugod sa hospital dahil sa pinsalang tinamo sa mga eksena sa KG

- Ibinahagi ni Beauty Gonzalez na kinailangan siyang isugod sa ospital matapos makaranas ng matinding pangangati at dahil sa natamong mga galos

- Ito ay dahil sa mga matitinding aksyon sa mga eksena sa kanyang pinagbibidahang teleserye, ang Kadenang Ginto

- Nilinaw niyang hindi siya nagrereklamo dahil mahal niya diumano ang kanyang trabaho

- Gayunpaman, ayon sa kanya ay dapat mas maging maingat na siya sa susunod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Beauty Gonzalez na kinailangan siyang isugod sa ospital matapos makaranas ng matinding pangangati at marami rin siyang natamong galos dahil sa matitinding eksena sa Kadenang Ginto.

Ito ay kanyang natamo matapos ma-shoot ang kanyang eksena kung saan kinailangan ng karakter niyang si Romina na magtago sa kagubatan.

Nilinaw niyang hindi siya nagrereklamo dahil mahal niya ang kanyang trabaho at handa siyang ibigay ang lahat dahil na rin sa kanyang dedikasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Rushed to the hospital this morning due to unbearable itchiness and lots of lacerations and abrasions from work. I’m not complaining, I would give everything I have for my craft because I really love what I’m doing,” aniya.

Gayunpaman, dapat diumano mas maging maingat siya sa kaniyang sarili lalo at ito ang kaniyang puhunan sa kaniyang trabaho bilang isang artista.

“But sometimes you should listen to yourself and take care of yourself. Because my biggest investment is myself. I hope it won’t leave scars,” paliwanag niya.

Beauty Gonzalez, isinugod sa hospital dahil sa pinsalang tinamo sa mga eksena sa KG

Beauty Gonzalez, isinugod sa hospital dahil sa pinsalang tinamo sa mga eksena sa KG
Source: Instagram

Si Beauty Gonzalez-Crisologo ay isang aktres na nagmula sa Dumaguete City. Tinawag siyang "Rebellious Beauty" noong sumali siya sa reality show na Pinoy Big Brother. Tinanghal siyang 4th grand placer ng PBB Teen Edition Plus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel