Alang-alang sa baby: Misis na nabuntis umano ng kanyang lalaki, bumalik na rin sa mister

Alang-alang sa baby: Misis na nabuntis umano ng kanyang lalaki, bumalik na rin sa mister

- Muntik nang makasuhan ng mister ang misis na di umano'y nanloko sa kanya

- Nalaman na nilang buntis ang misis at di nito alam kung sa kanyang lalaki ba ito sa sa mister

- Nagkainitan pa ng usapan ng misis at kanyang mister lalo pa nang sinabi ng misis na ayaw na niyang balikan pa ang mister

- Nang binigyan sila ng oras upang makapag-isip, napagtanto ng babae na dapat niyang balikan ang mister para na rin sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging mainit ang diskusyon sa pagitan ng misis na si Engel at mister na si Danny nang magkaharap ang mga ito sa barangay sa kanilang lugar sa Barangay Vallehermoso, Carmen sa Bohol.

Inireklamo na kasi ni Danny si Engel sa programa ni Raffy Tulfo dahil sumama na raw di umano ito sa kanyang lalaki.

Mariing itinatanggi naman ito ni Engel at sinabi niyang nagtatrabaho lamang siya noon at di naman sila nagsasama ng lalaki.

Nalaman ng KAMI na buntis na si Engel. Sa kasamaang palad, di siya sigurado kung sino ang ama ng kanyang dinadala.

Aminado naman kasi ang babae na parehong may nangyari sa kanya at sa kanyang lalaki gayundin sa kanyang mister.

Ito rin ang dahilan kung bakit sa umpisa ng usapan ay tila ayaw nang bumalik pa ng misis kay Danny.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At dahil hindi na maganda ang itinatakbo ng usapan, pinagpahinga muna ng staff ni Tulfo ang dalawa upang kumalma at makapag-isip ng maayos.

Kung hindi raw kasi babalik ang misis sa mister ay itutuloy nito ang kaso.

Kalaunan ay nagdesisyon si Engel na bumalik sa misis alang-alang na rin sa sanggol sa sinapupunan niya.

Ayon naman sa mister, kahit di siya sigurado kung sa kanya ang dinadala ng misis ay tanggap pa rin niya ito.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento:

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel