Tuloy ang pabahay: Lolo na nakatira sa wasak na bahay, binigyan ng lupa ng isang OFW

Tuloy ang pabahay: Lolo na nakatira sa wasak na bahay, binigyan ng lupa ng isang OFW

- Matutuloy na ang pabahay sa isang lolo na mangangalakal at nakatira lamang sa sirang bahay sa Kalibo

- Matapos ang ilang aberya sa pabahay na tulong sa kanya ng pinagsama-samang mga donasyon mula sa netizens at ilang OFW, maitatayo na ang kanyang bahay

- Isang OFW mula sa Japan ang nagbahagi ng kanyang lupain para lamang matuloy ang pabahay ng matanda

- Hindi kasi pumayag ang kapatid nitong nasa Spain na tayuan ng bahay ang lupa na kinatitirikan naman ng barong-barong ng matanda

- Nakauwi na rin ang isang anak ng matanda at di na raw nito iiwan ang kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala nang makapipigil pa sa pagpapatayo ng maayos na tirahan para kay Lolo Rodel Gumban o mas kilala sa tawag na Lolo Camlon.

Matatandaang una na siyang naibalita ng KAMI kung saan nag-viral ang video ng pagtulong sa kanya ng mga isang istasyon ng radyo sa Kalibo, Aklan.

At dahil sa marami ang naantig sa kwento ng buhay ni Lolo Camlon, dinagsa siya ng tulong.

Bukod sa mga groceries, damit, sapatos at ilan pang kailangan niyang kagamitan, nakalikom din si Archie Hilario ng Energy FM Kalibo ng sapat na halaga upang makabili ng materyales pabahay sa matanda.

Ito ay mga donasyon umano ng netizens at mga Overseas Filipino Workers na nakapanood sa kalunos-lunos na kalagayan ni Lolo Camlon.

Ngunit, matapos na makapamili ng mgateryales, isang di magandang balita ang nalaman ng matanda dahil sa di umano pumayag ang kapatid niyang may-ari ng lupa na patayuan doon ng bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pansamantalang naantala ang pagpapatayo ng bahay ni Lolo Camlon at doon nakaramdam pa siya ng sama ng loob sa kapatid.

Subalit, tila naitadhana na talaga ang pagkakaroon niya ng sariling bahay dahil isang OFW mula Japan ang magbabahagi sa kanya ng lupain para matuloy na ang pagpapabahay.

Emosyonal na nagpasalamat si Lolo Camlon sa OFW na ayaw pang magpakilala dahil ang motibo lamang niya ay makatulong sa kapwa.

Sa tulong ng mga kapulisan ng Kalibo, itinatayo na ang bahay ng matanda.

Di lamang ito ang magandang balita dahil ang anak niyang nasa Caloocan ay umuwi na rin upang makapiling ang kanyang ama. Sinabi rin nitong di na siya aalis at doon na lamang magtatrabaho upang may kasama ang kanyang ama.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel