Video ng volleyball referee na niregaluhan ng kotse ng isang team, may 44 million views na

Video ng volleyball referee na niregaluhan ng kotse ng isang team, may 44 million views na

- Emosyonal ang isang volleball referee nang makatanggap siya ng isang napakagandang surpresa

- Dahil sa dedikasyon niya sa trabaho, di nagdalawang isip ang mga magulang ng volleyball team na mag-ambagan upang mabilhan ng kotse ang referee

- Nasira ang kotse nito at tuwing may volleyball game at training, rumerenta talaga ito ng sasakyan huwag lang mawala sa mga laro

- Nakakamanghang sa simbahan daw ang tuloy ng referee upang makapagpasalamat sa mga biyayang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di napigilan ng isang 76-anyos na referee na si Lemuel Buster nang i-surpresa siya ng mga magulang ng isang volleyball team.

Binahagi ng ABC7NY ang nakakaantig ng pusong video kung paano ibinigay kay Lemuel ang kanyang bagong kotse.

Napag-alaman kasi ng mga magulang ng volleyball team na nasira ang sasakyan ni Lemuel.

Dahil dito, rumerenta pa ang matanda ng kotse huwag lamang mawala sa game o training ng mga bata.

Kaya naman di nagdalawang isip ang mga magulang na pag-ambagan ang sasakyan na kailangan ng referee.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa kotse, may pera at free meal sposorship na natanggap si Lemuel. Doon pa lang, umaapaw na ang emosyon niya lalo na nang makita ang sasakyang naghihintay sa kaya sa labas.

Halos di makapaniwala ang referee nang mahawakan na niya at mabuksan ang bago niyang kotse.

Ang nakamamangha pa sa kanya, nasabi niyang simbahan ang una niyang pupuntahan upang magpasalamat sa natanggap na mga biyaya.

Isa lamang itong patunay lamang na ang kabutihan ay masusuklian din ng kabutihan. Narito ang kabuuan ng video na umani na ng 44 million views.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel