Save Angkas! Nasa 17,000 na Angkas drivers, maaring mawawalan ng trabaho sa 2020

Save Angkas! Nasa 17,000 na Angkas drivers, maaring mawawalan ng trabaho sa 2020

- Naglabas ng opisyal na pahayag ang Angkas ukol sa pasya ng LTFRB na bawasan ang kanilang mga riders

- Mula sa 27,000 na riders, gagawing lamang itong 10,000 pagpatak ng 2020

- Humihingi ng tulong ang Angkas sa kanilang mga supporters lalo pa at nasa 17,000 rin na pamilya ang maaring maapekyuhan kung tuluyang mawalan ng trabaho ang mga riders nila

- Kasalukuyang nagkakaroon ng Unity Gathering ang mga riders at supporters bilang pag-apela sa pasya na ito ng LTFRB

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagulantang ang mga supporters ng Angkas nang maglabas ito ng opisyal na pahayag tungkol sa maaring pagbabawas nila ng mga drivers pagpatak ng 2020.

Sa kanila mismong post nitong Disyembre 21, sinabi ni George Royeca, Chief Transport Advocate ng Angkas na halos 20,00 na bikers ang posibleng mawalan ng hanapbuhay dahil sa pasya nga ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ito raw ang dahilan kung bakit kamakailan ay nakakaramdam na ang ilan nilang mga supporters ng hirap sa pag-book ng Angkas dahil di na raw umano sila pinayagan pa ng LTFRB na magdagdag pa ng drivers.

Sa halip, pinababawasan pa umano ang mga ito na halos kalahati ng bilang nila ngayon.

Dahil dito, umaapela ang Angkas na sana'y magawan pa ng paraan ang panukalang ito ng LTFRB.

Sinang-ayunan naman ito ng libo-libo nilang mga supporters dahil sa napakalaking tulong daw sa kanila ng Angkas lalo na sa traffic sa bansa na tila wala na raw solusyon.

Ayon pa sa mga netizens, karamihan daw sa mga Angkas riders ay magagalang, maayos at maingat sa trabaho.

Inalala rin nila ang pamilya ng mga riders na ito na pagsapit ng bagong taon ay maapektuhan sa pasya na ito ng LTFRB.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"This is the sincerest public advisory I've ever read from any company."
"I am with you on this, Angkas. #SaveAngkas"
"Angkas is the only ride we can rely on to be on time always."
"This is so heartbreaking. I've seen how Angkas grew to be better as what they are now. I've been using angkas for years and I'm very sad."
"Angkas don't just saves time, they also saves energy from the people including me who are everyday suffering from heavy traffic caused by private and public vehicles."
"Please consider those bikers who has good ratings and let go of those who has bad attitude and negative feedback."

Kasalukuyang nagkakaroon ng Unitty Gathering ang mga riders at supporters ng Angkas sa Edsa Kalayaan Shrie sa White Plains habang isinusulat ang artikulong ito ngayong Diyembre 22.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel