Quiboloy, pinatigil diumano ang lindol noong nakalipas na araw ngunit sa kanyang lugar lamang

Quiboloy, pinatigil diumano ang lindol noong nakalipas na araw ngunit sa kanyang lugar lamang

- Ayon kay Pastor Apollo Quiboloy, pinatigil niya ang lindol kamakailan pero sa kanyang lugar lamang

- Iginiit niyang hindi niya pinahinto ang lindol na yumanig sa ilang lugar sa Mindanao

- Ayon pa sa kanya, wala naman siyang pakialam sa ibang lugar na niyanig ng lindol

- Kasunod ito ng pambabatikos mula sa mga netizens matapos niyang akuin na siya ang nagpahinto ng lindol noong mga nakaraang buwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagsalita si Pastor Apollo Quiboloy hinggil sa kanyang pagpapahinto diumano ng lindol na nangyari nitong nakaraang araw. Gayunpaman, iginiit niyang pinahinto lamang niya ang lindol sa kaniyang lugar.

“Kailan ba ako nagsabi na Papatigilin ko ang lindol? sa Lahat? Yung lindol noong October 16, pinatigil ko doon sa aking lugar.. Pero, sa lahat ng lindol.. hindi ko sinabing, lindol, STOP kayong lahat," aniya.

Dagdag pa niya, gumalaw diumano ang building at may mga bata pang naroroon kaya sanabi niya daw, "Stop" kaya tumigil ang pagyanig.

“Pina-stop ko dun sa aking lugar, Dahil, gumagalaw na ang building..may mga bata…aking sinabihan…(STOP) o tumigil,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Kahapon naman, Dun sa Tamayong ko.. kasama ko ang mga bata..Pina-stop ko..Hindi ko naman alam na naglindol ba sa ibang lugar.. Eh di nag stop.. Hindi kayo kasali sa pagpapatigil ko (ng lindol) “Pakialam ko sa inyo?”

Panuorin ang kanyang buong pahayag dito:

Matatandaang sinabi ni Quiboloy na siya ang nagpatigil sa lindol na naganap sa bayan ng Tulusan noong nakaraang buwan.

Si Apollo Quiboloy ay isinilang sa Davao City. Dati siyang miyembro ng United Pentecostal Church at nang kinalaunan ay nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ church

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel