Kakaibang caroling ng 5 beki sa Antipolo, viral na

Kakaibang caroling ng 5 beki sa Antipolo, viral na

- Viral na ang video ng 5 beki na taga-Antipolo City dahil sa kanilang kakaibang pangangaroling

- Umabot na sa mahigit 1 milyong views ang nasabing video

- Naghatid ito ng matinding good vibes sa mga netizens kaya naman pumatok ito agad

- Umani rin ito ng samu't-saring komento sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kakaibang pamamaraan ng caroling ang viral ngayon at naging usap-usapan sa social media.

Nalaman ng KAMI na binansagan na ang 5 beki na taga-Antipolo City bilang 'Jingle Beks' dahil sa nakakaaliw nilang pagkanta at pagsasayaw habang nangangaroling.

Ang video na mula kay Angeline Marie Margarejo Simon na ibinahagi rin ng GMA News ay mayroon ng mahigit 1 milyong views.

Sa naging ulat, nagulat na lang daw ang may-ari ng tindahan nang biglang sumayaw ang mga beki sa kanilang pangangaroling.

Dahil sa hatid na good vibes nito ay kinunan niya ng video ang performance nila at shinare sa Facebook at agad naman itong nag-viral.

Watch the video below:

Maraming netizens ang naaliw sa effort ng mga beki at narito ang ilan sa kanilang mga naging komento at reaksyon sa social media.

"Sana lahat ng nagcacaroling ganyan nag effort din para Di nman nakaka Walang ganang pamaskuhan, Di Yong maririnig mo ang Laging kinakanta sa may bahay ang aming bati, tapos ang hina pa ng boses, pero pag nag salita ng namamasko po ang lakas ng boses."
"Wlang msam kung gnyan ang praan nila s pngangaroling yung SMILE n hatid nila hbng sumsyaw at kumknta nag effort ang mga kpatid nting mga beki Merry xmass sinyo"
"So proud to all this beks Ganyan talaga kaming mga taga Antipolo, talented"
"wow ang galing naman! ganyan dapat para buhay na buhay ang diwa nga pasko"
"ang saya saya naman sana mangaroling kau dito s amin... Merry Christmas mga beks!!!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang misis ang humagulgol sa pag-iyak dahil sa labis na hinagpis sa problema niya sa kanyang mister. Ayon kay misis, adik daw si mister sa paglalaro ng DOTA na naging mitsa ng kanilang pagsasama. Si misis pa raw ang kumakayod kahit may sakit dahil sa walang maibigay ang kanyang mister. Humarap din ang ina ni mister upang depensahan ang kanyang anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel