Pagkuha ng tubig mula sa kanal para gamitin daw na "palamig", sapul sa video

Pagkuha ng tubig mula sa kanal para gamitin daw na "palamig", sapul sa video

- Sapul sa isang video ang pagkuha ng isang lalaki na kumukuha ng tubig sa maruming kanal upang gawin di umanong "palamig"

- Napuno ang lagayan nito habang hawak din ng lalaki ang pang-sandok na ginagamit sa palamig

- Maging babala raw ito sa mga taong bumibili ng ganitong inumin dahil di raw tayo nakasisiguro kung saan galing ang tubig na pinantimpla nito

- Nagulat ang karamihan ng netizens sa nakita at nalungkot din dahil sa mga taong nagagawang manloko para lamang kumita ng pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video kung saan kitang-kita ang pagkuha ng isang lalaki ng tubig mula sa kanal na sinasabing ginagamit para makapagtimpla ng palamig.

Binahagi ng netizen na si Saycil Trazona ang kanya mismong nasaksihan sa kung paano inihahanda ang palamig na ibinebenta ng lalaking ito.

Kitang-kita kung paano niya sinalok ang tubig na sinasabing gagamitin sa pagtimpla ng palamig.

Ayon pa kay Saycil, kahit pa sabihing panghugas lamang ito at di man daw ito ang mismong gagawing palamig, napakarumi pa rin ng tubig at di ito maaring ipanglinis.

Wala raw balak si Saycil na siraan ang lalaki ngunit labis na nakababahala ang gawain niyang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging babala raw ang video na ito sa mga mahilig bumili ng palamig sa lansangan.

Nakakalungkot din daw na isiping may mga taong nagagawang manloko ng kapwa at isugal ang kalusugan ng mga ito kumita lamang ng pera.

Umabot na sa mahigit 700,000 ang views ng video na sana raw ay makarating sa kinauukulan upang mabigyang aksyon ang mga ganitong pangyayari at di na gayahin pa ng iba.

Narito ang kabuuan ng post:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel