92-anyos na lola, pinakabagong service crew sa isang fast food chain sa Maynila

92-anyos na lola, pinakabagong service crew sa isang fast food chain sa Maynila

- Mabilis na nag-viral ang larawan ni Lola Rose, ang 92-anyos na pinabagong service crew sa Chowking sa Legarda

- Apat na oras siyang nagtatrabaho sa isang araw at maliksi pa rin niyang nagagampanan ang kanyang gawain

- Pantanggal inip daw niya ang kanyang ginagawa lalo pa at sadyang aktibo siya lalo na noong kabataan pa niya

- Dating traffic enforcer si Lola Rose at minsan na rin siyang naging customer relations staff

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha sa pinakabagong service crew ng Chowking sa Legarda, Manila na si Florirose "Rose" Talastas.

Ayon kay Isa Avendaño-Umali of Super Radyo DZBB, di raw mababakas kay Lola Rose na 92 taong gulang na siya dahil maliksi pa rin ito at maayos na nagagampanan ang mga gawain niya sa Chowking.

Nalaman ng KAMI na apat na oras sa isang araw nagtatrabaho si Lola Rose sa naturang fast food.

Simple at magagaang trabaho lang naman ang kanyang ginagawa at sa ganitong paraan daw ay naiibsan ang kanyang pagkainip kung nasa bahay lamang siya.

Mapapansing malakas pa si Lola Rose na sadyang aktibo siya noon pa man lalo na nong kabataan pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dati siyang traffic enforcer bago siya naging customer relations staff.

Kita naman sa ngiti ni Lola Rose na nage-enjoy siya sa kanyang ginagawa.

Matatandaan Hulyo ng taong kasalukuyanunang naibalita ng KAMI ang pagpapatupad ni Mayor Isko Moreno ng Maynila na pahintulutang magtrabaho ng mga senior citizens at PWD sa kanilang lugar.

Ito ay naglalayong mabigyan sila ng oportunidad na makapaghanapbuhay upang magkaroon din ng maayos na pagkakakitaan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel