School bus driver, araw-araw na inayusan ng buhok ang batang namatayan na ng ina

School bus driver, araw-araw na inayusan ng buhok ang batang namatayan na ng ina

- Umantig sa puso ng netizens ang kwento ng school bus driver na nagmalasakit sa estudyanteng namatayan ng ina

- Lumapit ang batang babae at nagpatulong na mag-ayos ng buhok at mula noon, araw-araw na itong inaayusan ng school bus driver

- Dahil sa di marunong ang ama na mag-ayos ng buhok ng bata, minsan na itong pinaputulan ng maiksi

- Nauunawaan daw ng school bus driver ang kalagayan ng bata lalo pa at isa siyang cancer survivor at inisip niyang paano kung ang mga anak niya ang mawalan ng ina

- Nang malaman din ito ng paaralan ng bata, nagpaabot ang guro nito ng rekomendasyon sa bus company na pinapasukan ng driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento ni Tracy Dean na isang school bus driver na nasa tatlong taon nang inaayusan ng buhok ang batang si Isabelle Pieri mula Utah sa Amerika.

Ayon sa ulat ng NBC news, napansin daw ni Tracy na laging magulo ang buhok ni Isabelle tuwing sumasakay ito ng school bus.

Hanggang isang araw, tinanong ni Isabelle kung maari siyang magpaayos ng buhok kay Tracy na mayroon ding isang bata na inayusan nang araw na iyon.

Mula noon, tinitirintas na ni Tracy ang buhok ni Isabelle araw-araw lalo pa nang malaman niyang pumanaw na pala ang ina nito kaya naman wala nang nag-aayos ng kanyang buhok.

Dumating pa nga raw sa punto na pinagupitan si Isabelle ng kanyang ama ng maiksi na parang sa lalaki dahil sa di niya ito matulungan pagdating sa pagtitirintas at pag-aayos ng buhok.

Tatlong taon na ang lumipas at walang araw na di inasikaso ni Tracy si Isabelle.

Di nagdalawang isip si Tracy na tulungan si Isabelle dahil minsan na rin siyang nanganib ang buhay dala ng cancer. Naisip niya na paano na lamang kung ang mga anak niya ang nawalan ng ina.

Samantala, nang malaman ng guro ni Isabelle ang kabutihan ng school bus driver, binigyan niya ng rekomendasyon si Tracy sa bus company na pinapasukan nito.

Maging ang ama ni Isabelle ay labis na nagpapasalamat sa school bus driver sa pagmamahal at pagmamalasakit na pinaparamdam kay Isabelle na nangungulila sa kanyang ina.

Dahil sa kabutihan ni Tracy, nasabi ni Isabelle na “Tracy is the best bus driver in the whole galaxy!”

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel