May premyo: Misis na niregaluhan ang mister na di follower ni Ivana Alawi, viral

May premyo: Misis na niregaluhan ang mister na di follower ni Ivana Alawi, viral

- Viral ang makulit na post ng mister na pinakikita ang regalo sa kanya ng kanyang misis

- Ginawa raw ito ng misis dahil di raw pina-follow ng mister ang aktres na si Ivana Alawi

- Natuwa ang mga netizens at maraming mga mister ang naka-relate sa post na ito

- Ayon pa sa kanila, mababawasan ang mga subscribers ni Ivana kung ganito ang gagawin ng mga misis sa kani-kanilang mga mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng mga netizens ang post ng mister na pinakita ang kanyang "premyo" sa di niya pag-follow sa aktres na si Ivana Alawi.

Pinakita ng mister na si Lloyd Mejia ang sapatos na regalo sa kanya ng kanyang misis na may nakakatuwang mensahe na "Dahil di mo pina-follow si Ivana, may shoes ka, Wuv you!"

Si Ivana ay aktres sa ABS-CBN na lumabas sa teleseryeng Mea Culpa. Isa rin siyang sikat na YouTuber.

Kilala siya ng mga kalalakihan dahil sa angking gandang di nga naman matatawaran kaya naman makailang beses na siyang "pinaghahanap" ng mga misis.

Dahil dito, naging tampulan na ng kulitan at biruan ang pagseselos daw ng mga misis sa kanya dahil lagi umano siyang tinitingnan ng mga kalalakihan sa social media.

Samantala, natuwa ang marami sa post ni Lloyd lalo pa nang nilagyan niya ito ng caption na "Sigurado after nito, mababawasan followers ni Ivana."

Karamihan pa sa mga komento ay naka-tag sa kanilang mga asawa at sinasabing di rin daw sila follower ni Ivana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga makukulit na komento:

"Di ako naka follow sooooo bibilhan mo na ako ng rolex?"
"Ehem, good boy ako ano kaaya matatanggap ko dahil di ko naman kilala si Ivana"
"Ivana? Sino ba yun? mas kilala yun ng misis ko"
"Beke nemen, good boy ako kahit check mo pa co ko love"
"Naku kahit fb, instagram at youtube wala ka makikita Ivana Alawi diyan"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel