Sila ang nagpapasko: Mga Aeta mula Tarlac, namigay ng 10,000 kilong kamote sa Baseco

Sila ang nagpapasko: Mga Aeta mula Tarlac, namigay ng 10,000 kilong kamote sa Baseco

- Namahagi ng nasa 10,000 kilong kamote ang mga katutubong Aeta mula Capas, Tarlac sa mga residente ng Baseco sa Maynila

- Bahagi ito ng kanilang gift-giving mission ngayong kapaskuhan

- Ito rin ay upang maiba ang mentalidad ng ilan na lumuluwas lamang ang mga katutubong Aeta sa Maynila tuwing kapaskuhan para mamalimos

- Dahil dito, umani ng papuri ang mga katutubo sa kanilang ginawa lalo pa at malaking bagay sana na naibenta na lamang nila ang mga kamote kaysa ipamigay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang mga larawan ng katutubong Aeta mula Capas, Tarlac na namigay ng nasa 10,000 kilong kamote sa Baseco, Maynila.

Ayon sa ABS-CBN News, mismong ang mga Aeta ang nagbalot, ng kanilang mga ani na kanilang ipinamahagi sa kanilang gift-giving mission.

Nalaman ng KAMI na lumuwas patungong Maynila ang mga katutubo upang sila mismo ang mamigay ng kanilang pamasko sa mga residente sa Baseco.

Ito ay upang mabago rin ang isipin ng karamihan na nagtutungo lamang ng Maynila ang mga katutubong Aeta upang manlimos tuwing kapaskuhan.

Dahil dito, humanga ang mga netizens sa pamamahagi ng biyaya ng mga Aeta. Imbis kasi na ipagbenta at pagkakitaan nila ang mga kamote, mas pinili pa nila itong ipamigay bilang pamasko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Sana mkita ito ni yorme at bgyan dn sila ng pamasko. God Bless po sa inyo"
"Ang mga Katutubong Aeta mapagbigay kaya pinagpapala ang kanilang mga lupain.."
"Sana marami silang mauuwi na mga grocery pati bigas narin kung malapit lang ako jan aabotan ko yan sila ng grocery kahit mahirap lang tayo maganda parin ung nkkapag bigay tayo sa mas nangangailangan"
"Ang mga aeta mababait kahit kapos sila sa lahat halos ng bagay sa Mundo pero ung ugali nila magrespeto ng kapwa at kalikasan di un matatawaran"
"Nakakaiyak nman imbis na cla ang pamaskuhan cla pa ang nag bigay ng biyaya sa mga aeta ng capas tarlac mabuhay po kayo sana pag palain pa kayo.God bless sa inyong lahat !!!merry merry xmas po!"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel