Rider na pambato ng Pinas sa kompetisyon sa Thailand, di na nakauwi ng buhay
- Hindi na nakauwi pa ng buhay ang pambato ng Pilipinas sa racing competition sa Thailand matapos ang isang aksidente
- Ang 16-anyos na si Amber Torres, pumanaw sa edad na 16 na taong gulang
- Naisugod pa raw si Torres sa ospital ngunit binawian din ng buhay kinalaunan
- Puno naman ng hinagpis at pangungulila ang mga magulang nito dahil sa maagang pagpanaw ng anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Trahedya sa motor ang tumapos sa buhay ng binatang si Amber Torres na siyang naging pambato ng Pilipinas sa prestihiyosong Asia Road Racing Championship na ginanap sa Buriram, Thailand.
Hindi na nakauwi pa ng buhay ang 16-anyos na binata na nasangkot sa isang aksidente habang kumakarera sa nasabing kompetisyon noong December 5.
Base sa ulat ng GMA News, maayos pang kumakarera si Torres hanggang sa hindi inaasahang nahulog ito sa motor sa third lap.
Naisugod pa raw ito sa ospital ngunit binawian din ng buhay.
Mabuting tao at mabait sa pamilya at mga kaibigan, ganito isinalarawan ng kanyang ama na si Mitchelle Torres ang kanyang anak.
“Sobrang mabuting anak at mabuting tao sa mga kaibigan, sa pamilya,” anito. “Hindi ko ma-imagine na ganun ‘yung mangyayari sa lahat ng hirap namin biglang tatlong araw wala na.”
Puno rin ng hinagpis at pangungulila ang ina nito na si Prescilia Garcia.
Bumuhos ang pakikiramay ng mga Pinoy netizens para sa binatang makailang beses na palang nagbigay ng karangalan sa bansa sa larangan ng pakikipagkarera sa motor.
Ang marami sa ating kababayan, nanghihinayang sa maganda sanang bukas nito habang ang ilan naman ay hindi maiwasang malungkot sa sinapit nito.
Napag-alaman naman ng KAMI na nakatakda pa sanang lumaban si Torres sa lima pang karera sa ibang bansa bago ito mamatay.
Mula sa buong KAMI, nakikiramay kami sa mga naiwan at naulila nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh