Simpleng empleyado na sinorpresa ng amo ng regalo, halos maiyak sa tuwa

Simpleng empleyado na sinorpresa ng amo ng regalo, halos maiyak sa tuwa

- Halos maiyak ang isang lalaki na sinorpresa ng kanyang amo at binigyan ng 'di inaasahang regalo

- Sa isang video na kuha ng amo ng lalaki, kita ang tuwa rito matapos sabihin ng amo na ang binili nitong cellphone ay para rito

- Inakala kasi nito na bumibili lamang ang kanyang boss ng cellphone nito

- Ayon sa amo ng lalaki, pangarap ng kanyang empleyado na makabili ng cellphone ngunit hindi pa ito makabili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos maiyak ang isang lalaki nang sorpresahin ito ng kanyang amo at binigyan ng maagang regalo bago ang Pasko.

Sa viral video na ibinahagi ng Facebook page na Sabrinacio Footwear - main, makikita pa ang lalaki kasama ang isa pa sa loob ng isang tindahan ng cellphone.

"how to treat your employee's right

For me one of my greatest assets is mga tao ko. kung business minded ka dapat you also mind your people, bigyan mo din sila ng importansya. tao din sila napapagod, they also need time & attention. and most specially, pakita mo sakanila mai value sila sayo.

"If you take care of employees they will take care of your customers and your business will take care of itself""

salamat mga magigiting kong sundalo!"

Sa video na kuha ng amo ng mga ito sa loob ng tindahan, patingin-tingin lamang ang lalaki na tila nahihiya.

Tinanong pa nga ito ng kanyang boss kung kailan ito bibili ng pangarap na cellphone.

Pero ayon dito ay hindi pa nito alam kung kailan nito mabibili ang gadget.

Maya-maya pa ay pinatignan ni "boss" sa lalaki ang isang model ng cellphone na ito rin ang pumili ng kulay.

Kaya naman hindi natatawaran ang naging reaksyon nito nang sabihin ng amo nito na ang tinitignan nitong cellphone ay para rito.

Umani naman ng mga positibong komento ang video na ito na mayroon nang mahigit tatlong milyong views sa social media.

"Saludu aku s mga ganyang amo or boss o sir SANA OIL ESTE ALL Pla...godbless syu kuyang boss sir or amo."

"Sna all employer kgaya nyo sir.God bless."

"Employees are the best assets for every company and business treat them right and they will treat you more than a boss Just like you did good job sir and godbless."

" Wow . I can't say a word . That was really great ,for those who are hard working and dedicated employees they deserve to be treated that way."

"Sana oil sir haha. God bless s inyo sir sana lahat ng amo katulad nyo na binibigyan ng pansin ang mga trabador nila . Salute sayo sir."

"Sarap nmn sa pakiramdam nyan..basta mabait ka sa mga amo.moh ganyan talaga ang gagawin nila sau."

"Your number one customers are your people. Look after your employees first and then customers. Very inspiring! Well done."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel