Lalaking nagsamantala sa isang malagim na aksidente sa Bulacan, arestado

Lalaking nagsamantala sa isang malagim na aksidente sa Bulacan, arestado

- Mabilis na kumalat sa social media ang pananamantala diumano ng isang lalaki sa isa sa mga nasawi sa malagim na aksidente sa Bulacan kamakailan

- Ayon sa viral post ng isang netizen, kinuha umano ng lalaki ang bag ng babaeng kasama sa aksidente at nasawi

- Ilang larawan din ang ibinahagi sa post na ito kung saan makikita pang nasa kalsada malapit sa katawan ng biktima ang bag na itim

- Samantalang sa isang larawan ay makikita naman ang suspek na hawak na ang bag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Arestado ang isang lalaki matapos nitong pagsamantalahan diumano ang isa sa mga nasawi sa malagim naaksidente sa Bocaue, Bulacan kamakailan lamang.

Ayon sa post ng netizen na si Rachelle Dyan Caldejon, kinuha ng lalaki ang bag ng bikitma.

Sa ilang larawan na ibinahagi rin nito, makikita pa ang isang bag na itim na nakakalat lamang malapit sa katawan ng isang babae na diumano'y si "Joan".

"Baka may nakapag live o video ng aksidente sa bocaue bulacan. Paki review po. Baka narecord niyo yung aktong pag kuha ng lalake na yan sa bag ni Joan. Kung may nakakakilala sa lalake o kung may video man malaking tulong po to sa pamilya niya dahil kailangan nila ito," ayon sa FB post ni Caldejon.

Mabilis namang kumalat sa social media ang impormasyong ito na nakatulong din para masakote ang suspek.

Batay sa report ng Bocaue Bulletin, kinilala ang suspek na si Julius Ramboyong Sandigio, 38, residente ng Barangay Wakas sa Bocaue at mayroong kinakasama.

"Sa tulong ng mga Netizens, natunton ng ating mga kapulisan ang lalaking sinasabing nagnakaw ng pera at mga mahahalagang gamit ng mga nasawi sa aksidente kahapon.

Kinilala ang lalaki na si Julius Ramboyong Sandigio, taga Barangay Wakas, tinatayang nasa 38 anyos at may kinakasama."

Kaagad naman nahuli si Sandigio ng ating mga awtoridad at nahaharap ngayon sa kasong theft."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone