Lindol ka lang, inlove sila; magkasintahan, tuloy ang kasal matapos ang lindol

Lindol ka lang, inlove sila; magkasintahan, tuloy ang kasal matapos ang lindol

- Hindi napigilan ng sakuna ang nakatakda nang kasal ng isang magkasintahan sa Davao del Sur

- Dahil nasira at delikado pa ang munisipyo kung saan idaraos sana ang kasal ng dalawa, sa isang tent na lang isinagawa ang seremonya

- Matatandaang niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang nasabing lugar noong Linggo na puminsala sa maraming gusali

- Umabot na sa 700 aftershocks ang naitala sa lugar ayon sa mga ulat na lumabas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nagpatinag ang isang magkasintahan sa Kiblawan, Davao del Sur na itinuloy pa rin ang kasal matapos yanigin ng magnitude 6.9 na lindol ang nasabing lugar.

Dahil nasira at delikado pa ang Mayor's office at munisipyo kung saan sana nakatakdang ikasal sina Manilyn Dapusala at Glendel Zamora, sa isang temporary shelter na lamang idinaos ang seremonya ng pag-iisang dibdib ng mga ito.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, hindi na dumaan pa sa prosesyon at dumiretso na sa seremonya ang magkasintahan na ngayon ay legal nang mag-asawa.

Ikinasal sila ni Kiblawan Mayor Carl Jason Rama sa harap ng nga magulang ni Zamora at mga ninong at ninang nila.

Hindi na raw nakadalo pa ang pamilya ni Dapusala na nasa Maynila.

Batay sa ulat, anim na buwang naging magkasintahan sina Zamora at Dapusala ngunit limang buwan na magkahiwalay dahil nagta-trabaho sa News Zealand ang una.

Matapos ang pag-iisang dibdib, umuwi ang dalawa sa bahay ng mga ito sa Barangay New Sibonga.

Samantala, nasa 700 na ang naitalang aftershocks matapos ang lindol noong Linggo ng hapon na puminsala ng labis sa maraming kabuhayan at pag-aari sa Davao del Sur.

Sa isang ulat ng KAMI, isang babae na nasawi sa pagguho ng isang gusali ang nagawa pa raw makapagtext sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel