Larawan nina Pangulong Duterte at Margielyn Didal, kinagiliwan ng netizens

Larawan nina Pangulong Duterte at Margielyn Didal, kinagiliwan ng netizens

- Mabilis na nag-viral ang larawan ni Pangulong Duterte at ng Filipino professional street skateboarder na si Margielyn Didal

- Makulit na nagpakuha ng larawan ang dalawa sa courtesy call ng mga medalist mula sa katatapos lamang na SEA Games

- Makikita ring tila nakikipagkulitan din ang presidente habang binabati at kinakamayan ang gold medalist sa Women's Game of Skate

- Isa si Didal sa mahigit 500 na mga atletang nagkamit ng medalya sa 30th SEA Games na matagumpay na ginanap sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang larawan ni Presidente Rodrigo Duterte at ng Women's Game of Skate na si Margielyn Didal.

Binahagi ng Philippine Star ang larawan ng dalawa na parehong "naka-peace sign" habang nagpapakuha ng larawan sa courtesy call ng mga nagkamit ng medalya mula sa 30th Southeast Asian Games.

Mapapansin ding nakikipagbiruan ang pangulo kay Didal habang binabati niya ito sa gintong medalyang nakamit ng gintong medalya sa skateboarding.

Natuwa ang mga netizens sa mga kuha ng Pangulo at ni Didal at karamihan pa sa kanila ay tinawag pa itong "Cool President."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wow..the best talaga si Tatay Digong nakaka inspire.. Congrats"
"Ang cool ni Pres. Duterte. Thanks din for supporting our Athletes mas ginaganahan sila lalong pagbutihin pa"
"Yung parang tropa mo lang yung presidente... Cool Mr. President"
"Coolest President ang poosing e!"
"Astig ng shot na ito, game na game si Presidente Digong"

Isa si Didal sa mahigit na 500 na mga atletang nagkamit ng medalya sa SEA Games na ginanap sa bansa.

Sa kanyang mensahe, nabanggit ng pangulo na "very happy at proud" siya sa tagumpay ng mga atletang Pinoy.

Dahil dito, sisikapin daw ng pangulo na madagdagan pa ang pondo para sa mga atletang Pilipino.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel