Kasalang binigyang pugay ang mga magulang ng ikinakasal, nagpaluha sa maraming netizens

Kasalang binigyang pugay ang mga magulang ng ikinakasal, nagpaluha sa maraming netizens

- Viral ang video ng kasalang mas binigyang pugay ang mga magulang ng ikinakasal

- Labis na naging emosyonal ang mga magulang at maging ng ikinakasal dahil sa tagos sa pusong homiliya ng pari

- Maging ang mga netizens ay naluha sa video na at ito raw ang unang pagkakataon na nakakita sila ng ganitong seremonya sa kasal

- Nag-iwan din daw ng magandang aral ang homiliya ng pari na di nila madalas na masaksihan sa mga kasalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napukaw ang puso ng mga netizens sa maiksing video na binahagi ng bride na si Jem Dela Cruz Espiritu mula sa isang "memorable" na bahagi ng kanilang kasal.

Sa video, binigyang pugay ng pari na si Rev. Fr. Joseph Fidel Roura ang mga magulang ng ikinakasal.

Bibihira itong masaksihan sa mga kasalan dahil sa madalas na pagtuunan dito ng pansin ay ang ikinakasal.

Binigyang diin ni Fr. Joseph sa kanyang homiliya ang mga sakripisyo ng mga magulang sa mga anak at ang bahaging kanilang ginampanan hanggang sa oras na ang mga ito ay magkakaroon na ng sariling pamilya.

Ayon pa nga sa pari, di pa man nakakabawi ang mga anak sa mga sakripisyong ginawa ng kanilang mga magulang ay bubukod na ang mga ito upang harapin ang panibagong yugto ng kanilang buhay.

Kapansin-pansing maluha-luha ang mga magulang ng ikinakasal sa nakakaantig sa sinasabi ng pari.

Sinabi rin ng pari na mas magiging maayos ang pagsasama ng dalawa kung mahal nila ang magulang ng bawat isa.

Hindi rin daw nila dapat kalimutan ang pagtulong sa kanilang mga magulang sa anumang paraan at di ito dapat na pinag-aawayan.

Mas lalong bumuhos ang luha nang sinabi ng pari na pasalamatan ng bride at groom ang kanilang mga magulang bago pa man sila bumukod at bumuo ng sariling pamilya.

Dahil sa mga tagpong ito, naging emosyonal din ang mga netizens sa tagos pusong video na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Napaka galing nya at heartfelt homily. Extra ordinary priest"
"Yung iyak ng papa ni ate girl nadadala ako"
"Very well said Father.. nakakaiyak po"
"Sana lahat ng pari ganito hindi yung makapagkasal lang ok na"
"Di maawat ang luha ko... memorable ang wedding na ito."

Umabot ng 1.5 million ang views ng nakakantig-puso na video na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel