Kissing disease, ikinamatay ng isang 17-anyos na dalaga

Kissing disease, ikinamatay ng isang 17-anyos na dalaga

- Nasawi ang isang 17-anyos na dalaga matapos tamaan ng mononucleosis o mas kilala sa tawag na 'kissing disease'

- Ayon sa mga doktor, nagsisimula ang sakit na ito sa tinatawag na Epstein-Barr virus na napapasa umano sa pamamagitan ng laway

- Ang ilan sa sintomas nito, panlalamig at pananakit ng ulo

- Ang nasawing dalaga, lumala hanggang sa hindi na raw nito maramdaman ang kanyang hita at binti

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasawi ang isang 17-anyos na dalaga sa Florida sa United States of America matapos tamaan ng mononucleosis o mas kilala sa tawag na 'kissing disease'.

Ayon sa mga doktor, nagsisimula ang sakit na ito sa tinatawag na Epstein-Barr virus na napapasa umano sa pamamagitan ng laway.

Base sa ulat ng RMN, nakaramdam ng ilang sintomas ang dalagang si Ariana Rae Delfis, tatlong linggo na ang nakaraan.

Ilan sa mga sintomas ng kissing disease ay panlalamig at pananakit ng ulo.

Dahil dito, nagpatingin na ang dalaga sa doktor at na-diagnose ng sakit na ito.

Ayon sa ama ng dalaga, lumala pa ang sakit ng anak hanggang sa tuluyan nang hindi na nito maramdaman ang mga hita at binti.

"Her words were very slurred at times. She was just talking gibberish, and the damage was already beginning at that point,” anito.

Hindi na rin daw gumagana pa ang utak ng dalaga. Sa puntong ito, masakit man, nagdesisyon na ang pamilya na tuluyan nang pagpahingahin ang dalaga.

“Ariana passed on peacefully after a short and unexpected illness. We wanted everyone to know that she fought as bravely as she could in this tragic fight,” sabi ng ama nito sa pamamagitan ng isang pahayag.

Hiling pa ng dalaga, nais niya maging organ donor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel